Naglabas na ng reaksyon ang kontrobersyal na Drag Queen na sa pagkakadeklara sa kanya bilang persona non-grata sa Manila at sa iba pang probinsya ng bansa.
Sa naging pahayag ni Pura Luka Vega, Amadeus Fernando Pagente sa totoong buhay, na ibinahagi niya sa kanyang Twitter account, ipinahayag niya ang labis na pagkadismaya sa pagkakadeklara sa kanya bilang persona non-grata.
Tinatanong din niya ang netizens kung ano ang kanyang pagkakamali kung bakit siya naparusahan ng ganito.
Ipinunto din niya na nagpapakita lamang siya ng kanyang art bilang isang Drag Queen at hindi umano ito pambabastos sa paniniwala ng mga Katoliko.
Pagpapahayag pa niya na hindi man lamang umano siya kinausap ng mga taong nag deklara sa kanyang persona non-grata at hindi rin umano hiningi ang kanyang paliwanag patungkol sa nangyari.
“Tell me EXACTLY what I did wrong. I’m open for a dialogue and yet cities have been declaring persona non grata without even knowing me or understanding the intent of the performance,” tweet ni Pura.
“Drag is art. You judge me yet you don’t even know me,” dagdag pa niya.
Matatandaan na kamakailan lamang lumabas ang resolution ng Manila na pinangungunahan ni District 5 City Councilor na si Ricardo Isip Jr. kung saan nakasaad na naka-ban sa pagpunta sa kanilang lungsod si Pura Vega Luka, dahil sa walang habas na pambabastos nito sa paniniwala ng mas nakakaraming Pilipino.
“Ito pong taong ito ay walang habas at ‘di man lang pinag-isipan ang kanyang ginawa … Isang kalapastangan po ang kanyang ginawang palabas. Hindi po dapat itong palagpasin kasi ‘pag pinalagpas natin ito, baka maparisan po ito. Kailangan na po nating gumawa ng aksyon.”
Narito naman ang ilang komento ng mga netizens.
"Well, there’s one place that will not declare you as persona non grata
🔥🔥👺🔥🔥"
"May drag scene ba dun sa places na nag declare ng persona non grata? Parang di naman ganun kalaki magiging impact sa drag career mo.
"The collective amnesia. You do realize that may senakulo tayo every year in which a human wears a Jesus costume and performs a staged play. "
Tell me EXACTLY what I did wrong. I’m open for a dialogue and yet cities have been declaring persona non grata without even knowing me or understanding the intent of the performance. Drag is art. You judge me yet you don’t even know me. 🤷♀️ https://t.co/dprxdySjkD
— Pura Luka Vega 🙃 (@ama_survivah) August 10, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!