Idiniklara na rin bilang persona non-grata o unwelcome person ang Drag Queen na si Pura Luka Vega sa isa sa mga popular na lugar sa bansa, Cebu City.
Nitong August 17, 2023, idineklara ng Cebu City bilang persona non grata si Pura Luka Vega dahil sa kanyang ‘Ama Namin’ drag performance sa isang bar.
Sa inilabas na ulat ng Cebu City Council, si Pura Luka Vega na ang tunay na pangalan ay Amadeus Fernando Pagenta ay pinagbabawalan na bumisita sa kanilang lugar dahil sa pambabastos niya sa paniniwala ng mga Roman Catholics.
“This August Body supports and values freedom of expression enshrined in the Constitution as an avenue in the valorization of human intellectual and artistic potentials… the limits of freedom must be recognized.
“Cebu is the cradle of Christianity in the Philippines wherein the intersection of religious beliefs and social or cultural values are somehow enmeshed,” saad ni Councilor Pastor Jun Alcover Jr.
Bukod sa Cebu City, dineklara din bilang persona non-grata si Pura Luka Vega sa Dinagat Islands, at Occidental Mindoro.
Sa inilabas na resolution ng Dinagat Islands tinawag nilang blasphemous and disrespectful’ ang mga ginagawa ni Pura Luka Vega habang nakasuot ng kasuotan na katulad ni Jesukristo.
Nauna na rito, idineklara ding persona non-grata si Pura Luka Vega sa Manila City, Laguna, Bukidnon, General Santos City, Floridablanca, Pampanga at Taboso.
Matatandaan na nagbigay na rin ng pahayag at reaksyon si Pura Luka Vega sa pagdideklara sa kanya bilang persona non-grata sa ilang mga lalawigan ng bansa.
Ayon sa kanya, hindi niya alam kung ano ang kanyang pagkakamali para magreact ang mga taong nagdidiklara sa kanya bilang unwelcome person sa kani-kanilang lalawigan gayung nagpapakita lang naman siya ng kanyang art.
“Tell me EXACTLY what I did wrong. I’m open for a dialogue and yet cities have been declaring persona non grata without even knowing me or understanding the intent of the performance. Drag is art. You judge me yet you don’t even know me," tweet ni Pura Luka Vega.
Sa kabilang banda kinakaharap din ngayon ni Pura Luka Vega ang patong-patong na kaso mula sa ilang mga indibidwal na hindi nagustuhan ang kanyang performance.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!