Pokwang Pinandirihan Ng Netizens Matapos Ipahiya at Insultuhin Ang Mga Nanay Na Nanganak Ng Normal!

Biyernes, Agosto 25, 2023

/ by Lovely


 Umaani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang ibinahaging Instagram post ng komedyanteng si Pokwang kung saan sinasabing pamamahiya umano sa mga nanay ang caption niya sa ibinahaging larawan ng banana bread.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram post ang larawan ng isang banana bread na may nakakatuwang itsura.


Pahayag sa caption ni Pokwang, "ayoko na wala na akong gana! gusto ko lang naman ng banana bread!!! parang iba ito? bat ganon?"


Agad namang napagtanto ng mga netizens na iba ang pinapahiwatig ni Pokwang sa ibinahagi niyang larawan. Maging ang ilang mga celebrities ay napareact rito dahil tila alam umano nila ang nais sabihin ni Pokwang.


Samantala, may isang netizen ang nagsabi na ipadala umano ni Pokwang ang nasabing banana bread sa kanyang ex na si Lee O'Brian, na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na not in good terms kay Pokwang.


Agad naman itong pinatulan ni Pokwang kung saan sinabi niyang may bago na si Lee na ganun na ganun sa tinapay ang itsura.


Dagdag pa ni Pokwang, "may anak ako pero di laspag CS ako!" 


Hindi naman ito ikinatuwa ng ilang mga netizens lalo na ng mga nanay na nanganak via normal deliveries dahil tila pambabastos at pamamahiya umano para sa kanila ang pahayag na ito ni Pokwang.


May mga nagsasabi pang hindi naman umano sila nalaspag kahit may anak na sila sa pamamagitan ng normal.


May mga nagsasabi pa na kung ano ano na lamang ang ibinahagi ni Pokwang dala ng kanyang pagka-bitter sa pag-iwan sa kanila ni Lee O'Brian at paghahanap nito ng bagong banana bread.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo