Pokwang Maraming Nang Mga Manliligaw!

Martes, Agosto 15, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng actress-comedian na si Pokwang na maraming nanliligaw sa kanya ngayon subalit hindi pa siya handang magkaroon ng jowa.


Isiniwalat mismo ni Pokwang na mas marami ang kanyang mga suitors ngayon at nagkakagusto sa kanya subalit, tila pinagtataboy niya ang mga ito dahil nais muna niyang magfocus sa kanyang anak na si Malia O'Brian.


Matatandaan na nauna nang iginiit ni Pokwang na mas pipiliin muna niya ngayon ang kanyang career para sa future ng kanyang mga anak, lalong-lalo na kay Malia O'Brian.


Sa isang episode ng programa nina Kim Atienza at Susan Enriquez na inilalabas sa GTV at sa GMA, game na game na sumalang sa isang game si Pokwang at sinagot ang mga katanungan ng mga hosts.


Isa sa mga naitanong kay Pokwang ay tungkol sa kanyang mga suitors. Agad itong sinagot ni Pokwang kung saan sinabi niyang marami ang nag-apply pero walang pumasa dahil hindi pa siya ready na magboyfriend muli.


"Marami ang nag-apply kaya lang naku, sandali, kapag nalaman niya ang monthly amortization ko baka hindi na kayo magparamdam," pahayag ni Pokwang.


Naitanong din sa aktres kung may nagugustuhan na nga ba siya sa kanyang mga manliligaw. Subalit, ayon sa aktres ay wala siyang nagugustuhan sa mga ito.


"Wala, ayoko muna ngayon. Hindi yan ang kasagutan sa akin. Kuya Kim, magtatrabaho tayo ng magtatrabaho yun ang goal ko ngayon," pagdidiin pa nito.


Ayon pa kay Pokwang na kung may bagong foreigner na manliligaw sa kanya sana umano ay iyong masipag at responsable na hindi kagaya ng ama ni Malia.


"Siguro yung may trabaho na at yung may sarili siyang kita."


Samantala, inamin rin ni Pokwang na gustong-gusto na niyang tanggalin ang apelyedo ng dating partner sa pangalan ni Malia at palitan ng kanyang apilyedo.


Iyong dadalhin umanong apilyedo ng anak ay ang sa kanya dahil siya lang naman umano ang nagbibigay ng oras at pangangailangan dito.


Ibinunyag pa ni Pokwang na hindi naman umano nalungkot si Malia sa paghihiwalay nila ni Lee at parang balewala lamang sa bata ang lahat.


Matatandaan na noon pang 2021 naghiwalay sina Pokwang at Lee O'Brian subalit nitong taon lamang isinisiwalat ni Pokwang ang mga baho nito.


Ayon pa noon sa Komedyana na tinatakpan niya ang lahat ng pagkukulan ni Lee O'Brian dahil umaasa siyang magkakabalikan sila alang-alang sa kanilang anak na si Malia.


Subalit, nang malaman ni Pokwang na mayroon nang bagong babae si Lee at pinalitan na siya, naupos ang kanyang pisi at isinisiwalat na sa publiko ang pagiging irresponsable ni Lee O'Brian.


Sa ngayon ay ongoing na rin ang deportation case ni Pokwang laban kay Lee O'Brian kung saan iginiit niyang hinding-hindi siya matatahimik hangga't hindi ito mapapaalis sa bansa.


Sa kabilang banda, naghain naman si Lee O'Brian ng counter affidavit laban sa deportation case ni Pokwang kung saan hiniling niya na huwag sanang panigan ng batas si Pokwang dahil lamang sa mas kilala ito kaysa kanya.


Hindi pa naman inilalabas ng Bureau of Immigration kung ano ang kanilang desisyon sa reklamong inihain ni Pokwang.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo