Aminado si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na wala pa siyang plano na magkaroon ng anak.
Tila hindi pa handa sina Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey na magkaroon ng sariling anak at buuhin ang kanilang pamilya, isiniwalat ito mismo ni Pia Wurtzbach sa isang panayam.
Tahasang naitanon kay Pia Wurtzbach kung nagbabalak na ba silang magkaroon ng anak ng kanyang mister na si Jeremy Jauncey, matapos ang kanilang pagpapakasal.
"You know people just asked me, 'when are you going to have kids?', after I got married. I just keep hearing that question everywhere," pahayag ni Pia.
Saad pa ni Pia Wurtzbach na nais naman nilang magkaanak kahit isa lang subalit hindi pa umano sila handa ngayon.
"Yes, I do want to have children one day not now, not in this point on my career and in my life. Jeremy is also fine with that. But in the future we would love to have a family," paglilinaw pa niya.
Dagdag pa ni Pia, na bilang isang empowered woman may iba pa siyang kailangan gawin at mapapatunayan pa rin umano niya ang kanyang worth kahit hindi pa siya nagkakaroon ng anak.
"As a empowered woman, if you will, I think your worth as a woman is not being measured by you being able to bear a child. Like there is so many more things to a woman than just bearing a children.
"Some omen don't want to have kids, some women want to be amazing in their career," pagpapaliwanag pa ni Pia.
"Maybe they want to take care of their parents all their lives, maybe they want to commit their lives in social work. Maybe they just have different plans, but that doesn't mean that a woman is less valuable or less capable."
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na sinagot ni Pia ang ilang mga netizens na kumukwestyon sa desisyon nila ng kanyang asawa na si Jeremy Jauncey patungkol sa pagkakaroon ng anak.
Pahayag pa ni Pia, na dapat ay itigil na ng mga tao ang mga ganitong uri ng pagtatanong. Hindi lamang sa mga celebrities na tulad niya kundi maging sa mga ordinaryong tao.
"Honestly, I find this question so personal, I wondered why this is considered a normal thing to ask though."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!