Sa Supra-Duo Homecoming Celebration na ginanap noong August 10, 2023, naging highlight ang koronasyon at paglalagay ng The Miss Philippines sash, kay Miss Supranational first runner up Pauline Amelinckx.
Si Pauline Amelinckx ang kauna-unahang kinoronahan at hinirang bilang The Miss Philippines. Kararating lamang ng beauty queen mula kanyang Miss Supranational 2023 pageant na naganap sa Poland.
Ang nasabing event ay inorganize ng empire.ph para kina Pauline Amelinckx at Johannes Rissler. Si Johannes Rissler ang top 20 finalist sa 7th Mr. Supranational noong July 2023.
Ang The Miss Philippines culture and heritage celebration na itinatag nina Jonas Gaffud at Shamcey Supsup. Ang mga ito ang siya ring namumuno sa Miss Universe Philippines organization.
Ang The Miss Philippines, ang pinakabagong pageant na inilarawan nila bilang, the most groundbreaking competition.
Ang mga mapipili at makokoronahan sa The Miss Philippines sa darating na October 2023 ay magiging kinatawan ng bansa sa mga international pageant kagaya na lamang sa Ms. Supranational at The Miss Charm.
Samantala, sa Instagram post ng The Miss Philippines, makikitang si Shamcey Supsup pa mismo ang nagsuot sa korona at sash ni Pauline Amelinckx kung saan kasama niya si Jonas Gaffud.
Makikita namang napakasaya ni Pauline habang sinusuot sa kanya ang korona. Napakalawak ng ngiti sa mga labi ng beauty queen at makikitang nagniningning ang kanyang mga mata dahil sa kanyang natanggap na korona.
Agad namang bumuhos sa comment section ang mga mensahe ng pagbati para kay Pauline. Marami ang nagsasabi na deserve na deserve ni Pauline ang kanyang panibagong korona.
"Sana may ibang crown for The Miss Philippines. Hopefully ibang style para di same vibes sa crown ng MUP."
"She still my MUPH malakas laban natin if siya ung nanalo sa MUP kahit kailan pauline is my queen😍😍😍😍 kahit panahon pa ni rabiya"
"It is now writen in Philippine Pageant history. You are the first The Miss Philippines! So proud of your Paupau! Ano man ang mga plan mo in the future, always you have my 100% support."
Sa kabilang banda, sa naganap na press conference sa Manila Galleria inamin ni Pauline, na medyo nahihirapan siya dahil bagong-bago pa lamang ang title na The Miss Philippines.
Medyo naninibago din umano siya sa titulong ito dahil medyo naiiba umano ito sa mga pageant title, kagaya nang sa Miss Universe Philippines. Kaya naman, nangangailang umanong pumili siya ng babaeng fit para sa titulong ito, na mas hihigit pa sa mga qualifications na hinahanap ng pageant na ito.
Samantala, ibinahagi naman ni Pauline Amelinckx ang mga pagbabago sa kanyang buhay mula ng sumali siya sa Miss Supranational 2023.
Hindi rin napigilan ni Pauline ang maging emosyunal nang mabanggit ang kanyang ina na nagngangalang Linda.
Ayon kay Pauline naging mas grateful at appreciative siya ngayon sa mga taong nakapaligid sa kanya dahil hindi naman umano niya kinaya ang kanyang journey nang siya lamang mag-isa.
Inamin rin ni Pauline na una pa lang ay pinapangarap na niyang maisuot ang sash na may nakasulat na Philippines at maisigaw sa buong mundo ang bansang Philippines.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!