Paul Soriano, Tinanggal Na Sa Pwesto, Pinagresign ni Pres. Bongbong Marcos, Toni Gonzaga Napareact

Martes, Agosto 1, 2023

/ by Lovely


 Mainit pa rin na pinag-uusapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainments sites ang umanoy Leave of Absence ni Direk Paul Soriano bilang Presidential Adviser for Creative Communications.


Nagbigay naman ng dahilan ang direktor kung saan sinabi niyang personal reasons ang naging sanhi ng kanyang Leave. Hindi naman niya idinetalye kung ano-anong personal matters ang kanyang inasikaso.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, nagfile ng leave of absence si Direk Paul Soriano, ilang araw bago ang ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong July 24.


Samantala, maraming mga netizens ang nagsasabi na baka ang dahilan ni Paul Soriano ay nais niya tutukan ang panganganak ng kanyang asawa na si Toni Gonzaga.


Gayunpaman, may mga nagsilabasan pa ring chika na umano'y sinisante si Paul Soriano kaya wala ito sa isang mahalagang event. Ayon pa sa mga usap-usapan, tinanggal umano sa kanyang pwesto si Paul Soriano dahil sa kaliwa't-kanang isyu na kinakaharap nito ngayon.


Una na rito ang Love The Philippines ad campaign ng Department of Tourism. Kung saan nakitang ginamit sa ad na ito ang mga larawan na kuha sa ibang bansa at hindi sa magagandang tanawin at lugar sa Pilipinas.


Ayon pa sa isang source, pinatawag umano mismo ng Pangulo si Paul Soriano matapos ang 3rd investigation ng Malacanang sa kaso ng DOT.


Lumabas umano sa mga isinagawang  imbestigasyon na ang may pakana sa nasabing ad ay walang iba kundi ang director na si Paul Soriano.


Agad naman umanong tinanggi ni Paul Soriano ang mga allegations na itinuturo sa kanya. Ilang beses umano itong ipinatawag subalit naninindigan pa rin ang director na hindi niya pakana ang lahat.


Dahil dito, tuluyan umanong tinanggal si Paul Soriano sa kanyang pwesto ng mismong Pangulo. 


Marami naman ang nagsasabi na sana ay umamin na lamang si Paul Soriano at humingi ng tawad subalit nagmatigas umano ito kahit pa siya ang tinuturo ng mga sangkot.


Isa pa sa mga isyung kinakaharap ni Paul Soriano ay ang reklamong Harassment ng isang mid-twenties na babaeng empleyado rin sa Malacanang. 


Pumalag umano ang babaeng ito sa mga ipinapadalang direct message ni Paul Soriano sa kanyang Instagram account. Nakarating naman umano ang reklamong ito sa mga high ranking officials kaya naman napuno na si Pres. Bongbong Marcos, tinanggal si Paul Soriano.


Pinapili umano ang director kung termination ba o force resignation. Force Resignation naman umano ang pinili ni Paul Soriano.


Samantala, inu-okray ngayon ng ilang mga netizens sina Paul Soriano at asawang si Toni Gonzaga. Ayon sa mga netizens ang dating 'Powerful Couple' naging 'Powerless Couple' na.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo