Patuloy pa ring pinag-uusapan ng mga netizens ang pag unfollow ni KC Concepciom sa kanyang stepdad at half sisters na sina Kiko Pangilinan at Kakie Pangilinan sa Instagram.
Hindi rin binati ni KC noong kaarawan nito ang kanyang stepdad gayung nasa Pilipinas lang naman siya para i-promote ang kanyang pelikula na kinunan abroad.
Napansin pa ng ilang mga netizens na binura ni KC ang kanyang nakaraang father's day at birthday greeting ng kanyang ama-amahan.
Samantala, iniintriga ngayon ng mga netizens ang madamdaming mensahe ni Sharon Cuneta sa kanyang anak na si Kakie.
Ayon sa mensahe ni Sharon para kay Kakie, labis na umano siyang nangungulila rito. Lagi din umano siyang naiiyak kapag naiisip ito.
Kasalukuyang nasa ibang bansa ngayon si Kakie para sa pag-aaral nito.
Sobra umanong naappreciateni Sharon Cuneta ang pagiging malambing ni Kakie sa kanya. Kahit kailan ay hindi rin umano siya binigyan nito ng sakit ng ulo.
Agad naman itong umani ng intriga mula sa ilang mga netizens na naniniwalang tila patama umano ito ni Sharon para kay KC Concepcion.
Subalit, agad namang ipinagtanggol ng kanyang mga tagahanga ang Mega Star. Ipinunto nila na may karapatan si Sharon na ipost ang kanyang nararamdaman bilang ina dahil account naman niya ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!