Paolo Contis Nag React Sa Mga Kapusong Tumatangging Maging Guest Nila Pero Nagpupunta Sa It's Showtime

Linggo, Agosto 20, 2023

/ by Lovely


 Sinagot ng Eat Bulaga host na si Paolo Contis ang mga netizens na humihingi ng kanyang reaksyon sa naging desisyon ng ilang artista ng GMA Network na lumabas sa It’s Showtime sa halip na maging guest sa kanilang show na tinaguriang longest-running noontime show.


Sa kamakailang panayam kay Paolo Contis, sinabi niyang wala na silang magagawa sa pagpunta at pagiging guest ng ilang Kapuso Stars sa It's Showtime at pagtanggi sa kanilang show dahil personal decision na umano nila ito.


“Hindi mo masisisi yung mga ganun. Kasi siyempre, personal nilang desisyon yun.


“Meron din sila siyempreng… hindi mo masasabi kung may takot, o merong personal na investment with others, di ba? You cannot take that against them. Basta kami, kung OK sa inyong mag-guest, bakit hindi, thank you. Kung hindi, e then we have to move on. We cannot take it against them. Ano naman yun, e… hindi kasi normal yung naging circumstance nung buong pangyayari. So, hindi mo sila masisisi,” saad ni Paolo Contis.


Hindi naman na bago sa pandinig sa mga nakakarami na tila mas pinapaburan umano ng GMA7 ang It's Showtime kaysa sa Eat Bulaga.


May mga nagsilabasan pang mga ulat na maaring palitan ng It's Showtime ang Eat Bulaga sa GMA7 kapag nagtapos na ang kontrata ng Eat Bulaga sa GMA7.


May mga nagsilabasan pang mga ulat mula sa iba't-ibang sources na umano'y GMA mismo ang nagbibigay ng mga artista para maging guest ng Eat Bulaga.


“Ang sama-sama ng loob ng mga taga-TAPE Incorporated kasi ‘yung mga artista ng GMA 7 na matagal na nilang iniimbita para lumabas sa kanilang programa kamuka’t muka’t mo nasa It’s Showtime nung Sabado.”


“Napakasakit nga naman nun. Sampal ng mag-asawa ‘yun.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo