Umaani ngayon ng pambabatikos ang aktor na si Paolo Contis matapos manlibre nang lumabas ang Certificate of Renewal of Registratration mula sa Intellectual Property Office.
Kung saan nakasaad sa certificate na ito na extended ng sampung taon ang pagmamay-ari ng TAPE Inc. sa trademark at logo ng Eat Bulaga.
Agad naman itong ipinagyabang ni Paolo Contis at nang TAPE Inc. dahil dito kaagad silang kinuyog ng mga netizens na naniniwalang ang TVJ ang totoong may karapatan sa Eat Bulaga.
Bukod sa pagyayabang ni Paolo Contis, nanlibre din siya sa lahat ng mga staffs at crews ng Eat Bulaga bilang pasasalamat sa kanilang natamong tagumpay. Agad naman itong ipinagmalaki ni Dapitan City Mayor at TAPE Inc. Chief Finance Executive na si Bullet Jalosjos sa kanyang Instagram stories.
Subalit, hindi ito pinalampas ng mga netizens at kaagad na binanatan si Paolo Contis dahil sa pagpapakain niya sa ibang tao gayung ang mga anak niya ay hindi niya nagawang suportahan.
Ayon pa sa mga netizens, kung nagagawa naman pala ni Paolo Contis na magpakain at manlibre sa kanyang mga katrabaho bakit hindi niya ito nagagawa sa kanyang mga anak at pinabayaan na lamang umano na ibang lalaki ang tumatayong ama sa mga ito.
"Mabuti pa yung ibang mga tao napapaain ni Paolo Contis samantalang ang mga anak niya kay Lian Paz at LJ Reyes hindi magawang sustentuhan."
"Si Paolo nagpapakain sa ibang tao mga anak niya di man lang mapakain"
"Kagalante naman pala ni Paolo sa mga kasamahan sa work. yung inanakan kaya niya binibigyan niya ng makakain o suporta man lang?"
Tinatawag pa ng mga netizens na na hambog si Paolo Contis dahil sa kanyang ginawa gayung hindi pa umano tapos ang laban dahil on-going pa rin ang legal battle sa pagitan ng TAPE Inc. at TVJ para sa copyright ng Eat Bulaga.
"Hoy Paolo Contis sobrang hambog mo naman.. di pa tapos ang laban haha.. Eat Bulaga pinaglalaban mo eh ang mga anak pinabayaan mo.
"Huwag kang magmayabang at magmagaling. Kumpara sa TVJ walang-wala ka. Maging mabuting ama nga eh wala ka, maging mabuting host pa kaya? yabang mo."
Maging ang kilalang motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador ay hindi rin nagpahuli sa pambabanat kay Paolo Contis.
Agad itong binanatan ang celebration ng TAPE Inc. at mga bagong Eat Bulaga hosts matapos ilabas ng IPO ang Certificate of Renewal of Registration para sa Eat Bulaga trademark na pagmamay-ari ng TAPE Inc.
"Anak mo muna pakainin mo bago ka manlibre sa iba. Yung nagmayabang ka pa sa tropa na nanlibre ka. Hindi nila alam na tinakasan mo ang sustento ng mga anak mo," saad ni Rendon Labador.
Bagama't palaging binabatikos noon si Rendon Labador dahil sa kanyang pananawsaw sa mga isyung kinakaharap ng mga sikat na artista.
Subalit sa puntong ito, marami sa mga netizens ang sumang-ayon sa mga naging pahayag ni Rendon Labador lalo na't totoo naman umanong pabaya at irresponsableng ama si Paolo Contis.
Si Paolo Contis ay may tatlong anak na babae. Dalawa sa estranged wife niya na si Lian Paz samantalang, isa naman sa aktres na si LJ Reyes.
Si Paolo Contis rin mismo ang umamin na noon pa man ay hindi na siya nagbibigay ng sustento sa mga anak. Gayunpaman, may nakalaan naman umano siyang savings para sa mga ito at ibibigay niya sa tamang panahon.
Sa ngayon, aminado naman si Paolo Contis na marami nga siyang pagkakamali sa kanyang buhay at ginagawa naman umano niya ang lahat upang maitama ang mga ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!