Paolo Contis May Patama Sa E.A.T Hinggil Sa Pagpapatawag Ng MTRCB Kay Wally Bayola

Miyerkules, Agosto 16, 2023

/ by Lovely


 Bumanat ang TV host-actor na si Paolo Contis hinggil sa pagpapatawag ng MTRCB sa E.A.T dahil sa pagmumura ni Wally Bayola.


Kamakailan lamang ay naglabas ng Notice to Appear and Testify ang MTRCB para sa E.A.T kasunod ng mga natatanggap umano nilang reklamo dahil sa pagmumura ni Wally Bayola habang nasa Sugod Bahay Mga Kapatid segment.


Ito'y sa kabila ng agarang paghingi ng paumanhin at pang-unawa mula sa mga manonood. 


Samantala, tila nagreak naman rito at nagbigay ng komento ang panibagong Eat Bulaga hosts na si Paolo Contis. Nagbigay pa siya ng payo sa mga nagbibigay ng jokes on national television lalong-lalo na kung ito ay naka-live.


Ayon kay Paolo Contis sa isang panayam, aware siya sa mga bagay na dapat iwasan na gawin sa harap ng kamera lalo na kung ito ay naka-live dahil hindi na umano ito mae-edit pa.


Ayon pa kay Paolo Contis, palagi din naman siyang nagsasalita ng ganitong uri ng jokes na katulad ni Wally subalit talagang nag-iingat umano siya sa pagjojoke on live TV.


"Actually may mga jokes like for example sa EB Happy. May mga ginagawa akong jokes na habang niri-release, 'ahy sandali-sandali huwag na lang natin gawin yan.'"


Dagdag pa ni Paolo Contis na bagama't ang kanyang mga jokes ay wala naman gaanong epekto sa kanilang show subalit napapaisip umano siya na baka may mapansin at masabi ang mga tao.


Ayon pa kay Paolo Contis, mas mabuti na umanong mag-iingat at maging ligtas. Bagama't may mga nauuso umanong biro ngayon, mas pinipili ni Paolo Contis na huwag nang makisabay sa uso dahil alam umano niya na may mga matang nakamasid sa kanya at palaging nakakapuna sa kanilang simpleg pagkakamali.


"Saka responsibilidad mo rin kung para sayo wala kang maooffend o para sayo hindi, e paano kung meron. So dun ka na lang sa pinakasafe."


Sa kabilang banda dahil sa naging pahayag na ito ni Paolo Contis, marami sa mga solid dabarkads at mga solid fans ng TVJ at legit dabarkads ang naghinalang ang nasabing pahayag na ito ni Paolo ay patama sa nangyaring pagpapatawag ng MTRCB sa E.A.T.


Tila pinapalabas umano ni Paolo Contis na hindi pinag-isipan ng E.A.T host na si Wally Bayola ang kanyang mga naging pahayag at mga pagbibiro.


Gayunpaman, may ilan namang netizens na maari rin naman na ang pinapatamaan ni Paolo Contis ay si Vice Ganda na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nagbibigay ng mga unfiltered jokes na maaring ika-offend umano ng mga pinagsasabihan niya nito.


Samantala, hindi pa naman nagrereact ang mga legit dabarkads at mismong si Wally Bayola sa nasabing pahayag ni Paolo Contis.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo