Paolo Contis, Matapang Na Patama at Mensahe Kay Tito, Vic at Joey!

Lunes, Agosto 21, 2023

/ by Lovely


 Muling naglabas ng pahayag ang panibagong Eat Bulaga host na si Paolo Contis laban kina Tito, Vic at Joey.


Matapang ang naging pahayag ni Paolo Contis patungkol sa mga netizens na nagsasabing Eat Bulaga is TVJ, and TVJ is Eat Bulaga.


Ayon kay Paolo Contis, ang Eat Bulaga ay hindi ang mga hosts at artista kundi ang staff at crews na nagpapakahirap sa pagbuo ng Eat Bulaga.


Pagpupunto pa ni Paolo Contis, na hindi dapat ibash ang mga staff at crews na nanatili sa show at lalong-lalo na silang mga pumalit na hosts sa Eat Bulaga dahil ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho na makapagbigay ng saya at tuwa sa lahat ng mga manonood.


Ipinunto pa ni Paolo Contis na ang mga Legit Dabarkads at mismong TVJ ang nang-iwan sa mga staff at crews at maging sa kanilang mga manonood.


Taliwas naman ito sa naging pahayag noon ni Tito Sotto, matatandaan na iginiit ng dating Senate President na handa niyang isama ang lahat ng staff at crews ng Eat Bulaga sa TV5 kung saan mabibigyan ang mga ito ng mga benipisyo na mas hihigit pa sa ibinibigay ng TAPE Inc.


Samantala, kaagad namang kinuyog ng mga netizens si Paolo Contis sa naging pahayag nito kung saan tila sinisisi pa niya ang TVJ sa pag-alis sa TAPE Inc.


Ayon sa mga solid TVJ fans, kung maayos sana ang pamamalakad ng TAPE Inc. ay hindi aalis ang TVJ.


Gayunpaman, sa kabila ng kaliwa't-kanang pambabatikos kay Paolo Contis, malakas pa rin ang loob nito na manatili bilang host ng Eat Bulaga.


Nauna nang ipinagdiinan ni Paolo na wala siyang balak na makipagkompetensya sa iba pang mga noontime shows kundi nais lamang niyang magbigay ng saya at tuwa sa lahat ng manonood.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo