Paolo Contis Emosyonal, May Mensahe Sa Wedding Ni LJ Reyes at Philip Evangelista!

Linggo, Agosto 20, 2023

/ by Lovely

 

Nagbigay na ng reaksyon ang kontrobersyal TV host-actor na si Paolo Contis sa pagpapakasal ng dati niyang kinakasama na si LJ Reyes.


Naging kontrobersyal ang hiwalayan nila dahil sa pagkakadawit sa pangalan ng aktres na si Yen Santos na unang iginiit ni Paolo na friend lamang subalit kalaunan ay umamin din sa totoo.


Ayon kay Paolo Contis, wala naman umano siyang masamang masasabi hinggil sa nakatakdang pagpapakasal ng dating partner na si LJ Reyes, sa fiance nitong si Philip Evangelista.


Naniniwala din umano si Paolo na deserve ng kahit sino na makahanap ng panibagong pag-ibig, kaya naman totoong masaya siya para sa ex at ina ng kaniyang anak na si Summer.


“I’m happy for her. Everyone deserves love, I don’t have anything bad to say,” saad ni Paolo sa isang panayam patungkol sa panibagong niyang pelikula na “Fuchsia Libre.”


Gagampanan ni Paolo Contis sa pelikulang ito ang papel ng isang bakla.


Kamakailan lamang ay ibinahagi na ni LJ Reyes ang mga larawan mula sa naganap na prenup nila ni Philip Evangelista. Marami pa ang na-amaze dahil sa kasimplehan nito.


Gayunpaman, bakas sa mga mata ng dalawa ang pagmamahal sa isa't-isa.


Kasunod nito, kumalat naman sa social media ang mga larawan at video na mula naman sa naganap na bridal shower ni LJ Reyes kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo