Ogie Diaz, Dinedma Nga Ba Ni Kim Chiu?

Huwebes, Agosto 24, 2023

/ by Lovely


 Naibahagi ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz ang tila pandededma umano sa kanya ng TV host-actress na si Kim Chiu matapos nitong umayaw na mainterview niya.


Kamakailan lamang ay nagpadala umano si Ogie Diaz ng invitation para kay Kim Chiu sa isang interview. 


Hindi umano ito sinagot ni Kim Chiu, kaya naman muling nagpadala ng mensahe si Ogie Diaz na huwag na lang muna kasi baka busy ngayon ang aktres.


Samantala, bagama't nilinaw ni Ogie Diaz na hindi naman siya nagalit kay Kim Chiu, mas maigi sana umano kung sinagot naman nito ang kanyang mensahe.


"Kim Chiu hindi ako galit sa iyo, ako pa ba. Sana man lang sumagot ka, 'Mama pass muna'. Edi mas matatanggap ko diba. Pero yung dedma, natatanggap ko pa rin naman yan."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo