Ogie Diaz, Awang-awa Kay Jay Sonza, May Pagkakataon Pa na Magbago

Miyerkules, Agosto 16, 2023

/ by Lovely


 Ipinahayag ng talent manager na si Ogie Diaz ang kanyang concern hinggil sa nangyari sa  beteranong mamamahayag na si Jay Sonza na kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad dahil sa mga kasong Estafa.


Sa kamakailang Facebook post ni Ogie Diaz, ipinahayag niya ang kanyang opinyon hinggil sa nangyari.


Matatandaan na nagkasagutan noon sina Ogie Diaz at Jay Sonza, matapos akusahan ng huli na piniperahan ni Ogie Diaz ang kanyang dating alaga na si Liza Soberano.


Nauna na rito, nagkasagutan din sila dahil sa mga sinusuportahan nilang presidential candidates.


“Naawa ako bigla sa mga anak at apo niya. Wa echos.


“Parang kelan lang kung laitin ng taong ito ang mga di lang sumasang-ayon sa takbo ng pag-iisip niya. Grabe din niya akong laitin. Ang pangit ko daw. Bayaran daw ako. Pero sinasagot ko din siya. Di pwedeng manahimik, lalo na’t nilalait na ang pagkatao ko ni Mr. Sonza.”


Hiling din ni Ogie Diaz na sana ay magbago na si Jay Sonza sakaling malampasan niya ang kanyang kinakaharap ngayon.


“Will pray for your inner peace, Mr. Sonza. Sana, malampasan mo ang mga pagsubok. Hindi ko sasabihing beh buti nga o deserve mo ‘yan. Mas gusto kong ipagdasal ang paghilom ng kanegahan sa puso mo. At sana ay magsilbing lesson ito sa tuluyan mong pagbabago.”


“Kahit matanda na po kayo, kaya pang magbago basta bukal sa puso ang acceptance, realization at ang sabi nga ng matatanda, tumanda nang may pinagkatandaan.”


Nanawagan din si Ogie Diaz na huwag namang idamay sa isyu ang dating katandem ni Jay Sonza na si Mel Tiangco sa isyung kinakaharap ni Jay.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo