Noli De Castro, Nakatikim Ng Salita Kay Sylvia Sanchez Matapos Ang Kasal Issue Kay Maine at Arjo

Martes, Agosto 1, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa social media ang naging pahayag ng News Anchor na si Kabayan Noli De Castro sa kanyang closing spiels patungkol sa kasal nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.


Marami sa mga netizens at mga fans nina Maine at Arjo ang naiinis sa naging pahayag ni Noli De Castro dahil tila ipinupunto nitong hindi na dapat tinuloy ng mga ito ang matagal na pinaplanong kasal dahil sa pananalasa ng bagyong Egay.


"Kayo habang kinakasal, kawawa naman 'yung binabagyo."


Kaya naman, maging sina Joey De Leon at Sylvia Sanchez ay tila hindi napigil ang mga sarili at sinagot na ang naging pahayag nito.


Ayon kay Joey De Leon, hindi kasalanan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde na tumama sa lugar na kanilang napili kung saan magpapakasal ang bagyo.


Ipinunto pa ni Joey De Leon na naunang nagplano ng kasal sina Maine Mendoza bago naibalitang may pumasok na bagyo sa bansa.


“Sa mga kababayan nating ume-epal na hindi raw dapat nagpakasal ang dalawang ito dahil binabagyo raw ang bayan, eto lang ang masasabi ko—-naunang nagplano sina Menggay kaysa kay Egay! Wala silang kasalanan kundi ang unang limang letra ng “kasalanan”—-KASAL!"


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon nagbigay umano ng pahayag ang ina ni Arjo Atayde na si Sylvia Sanchez kung saan ipinahayag umano nitong kung hindi ba itutuloy nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang kasal, titigil din ba ang bagyo.


Sa kabilang banda, dahil na rin sa pagbuhos ng ulan na dala ni Bagyong Egay mas tumindi ang paniniwala ng ibang mga AlDub fans na hindi totoo ang kasal at clone lamang umano ang naroon.


Agad naman itong pinabulaanan ng mga guests at artistang nagpunta at sinabing totoo ang lahat.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo