Sa pambihirang pagkakataon, nasaksihan ng mga manonood sa live telecast ng 24 Oras ang pagbuhos ng emosyun nina Vicky Morales at Mel Tiangco, nang kumpirmahin nila ang pagpanaw ng kanilang kasamahan na si Mike Enriquez.
Sa gitna ng pagpanaw ni Mike Enriquez, hindi napigil ni Vicky Morales ang kanyang mga luha habang sinasambit niya ang kanyang closing spiel sa 24 Oras.
Si Mike Enriquez ay dalawang dekada ring nakasama ng mga manonood gabi-gabi sa 24 Oras. Mahigit 20 years din siyang naging host ng Imbestigador.
Mahigit limampong taon din siyang naglilingkod sa mga manonood at tagapakinig. Si Mike Enriquez ay nagsimulang maglingkod sa GMA Network noong 1995.
Ayon naman sa naging pahayag ng GMA, ang dedikasyon na ipinakita ni Mike Enriquez sa pagbibigay ng mga serbisyong totoo para sa lahat ay isang inspirasyon para sa lahat ng kanyang mga tagapanood.
Nagsilbi ring inspirasyon ang pakikipaglaban ni Mike Enriquez sa kanyang mga karamdaman. Matatandaan na naunang sumailalim sa isang heart bypass surgery si Mike Enriquez kasunod nito ay sumailalim naman siya sa isang kidney transplant.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!