Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pagpanaw ng isang batikang journalist na si Mike Enriquez.
Isa sa mga labis na nagdadalamhati ngayon sa biglaang pagkawala ng news reporter ay walang iba kundi ang kapartner nito sa trabaho na si Mel Tiangco.
Sina Mel Tiangco at Mike Enriquez ang tinaguriang partners ng Philippine news. Ilang dekada na rin silang nagkasama sa programang 24 Oras ng GMA7.
Kaya naman sa biglaang pagpanaw nito ngayon, tila hindi pa umano makapaniwala si Mel Tiangco.
Ayon sa aming nakalap na mga impornasyon, pumanaw ang news anchor/radio broadcaster na si Mike Enriquez nitong martes August 29, 2023 dahil sa cardiac arrest sa edad na 72.
Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang pamilya ni Mike Enriquez sa tila kagustuhan nilang gawing pribado ang huling mga sandali na makakasama pa nila si Mike.
Samantala, sa episode ng 24 Oras nagbigay ng nakakaantig na mensahe para kay Mike Enriquez kung saan sinabi niyang kailanman ay hinding-hindi niya ito malilimutan.
“Ang kanyang dedikasyon sa industriya ay magsisilbing inspirasyon sa lahat,” saad ni Mel Tiangco.
Sa kabilang may ilan naman sa mga netizens ang nagsasabing baka muling nabiktima na naman ng fake news si Mike Enriquez at ito'y namamahinga lamang.
Matatandaan na noong nakaraang taon, nabiktima ng fake news si Mike Enriquez nang kumalat din noon ang hindi magandang balita.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!