Nagbigay na ng pahayag ang actress at fashion icon na si Heart Evangelista patungkol sa isyu ng biglaang pag-alis ng kanyang glam team na sina Justin Soriano at Jeck Aguilar.
Matatandaan na kumalat noon sa social media ang usapin na umano'y iniwan ng glam team si Heart Evangelista ay dahil sa masamang attitude ng actress-fashion icon.
Sa kabilang banda, sinasabi naman ng mga fans ni Heart na kaya tinanggal ni Heart Evangelista ang dalawa dahil sa pag max ng mga ito sa card ng aktres.
Subalit, agad itong pinabulaanan ni Justin at ipinuntong wala silang access sa cards ni Heart Evangelista. Hindi rin umano nila kailangan ang card nito dahil may mga sarili naman silang cards.
Samantala, sa isang exclusive interview kay Heart Evangelista nagbigay siya ng pahayag patungkol sa pag-alis ng kanyang glam team.
Bagama't hindi na idinetalye ni Heart Evangelista ang totoong dahilan kung bakit umalis ang kanyang glam team, sinabi naman niyang nangyayari naman talagang may mang-iwan sa buhay.
"Life is not that madami tayong pagdadaanan with our careers with our personal life but everything's for a reason and everything is for us to be stronger so we can face anything in life. So I am very happy."
Isa din umano sa mga nagpapalakas sa loob ni Heart ay ang kanyang mister na si Chiz Escudero.
"My husband will always tells me with the glory comes the punches. You can't have a perfect life nobodys perfect so everythings made for a reason to make us better people and stronger."
Hiling din ni Heart na itigil na ang isyu at ayaw na rin umano niyang pag-usapan pa ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!