Hindi na nakapagpigil ang award winning actress na si Nadine Lustre sa ilang mga netizens na pinaparatangang cheater ang kany French boyfriend na si Christophe Bariou.
Magkasunod na sinagot ni Nadine Lustre ang komento ng ilang mga netizen sa Instagram post ni Christophe Bariou. Kung saan tila, sinaway ng mga ito ang palaging pagsasama at pakikipagkita ni Christophe Bariou sa isang Filipina-German surfer habang kasalukuyang nasa Manila si Nadine.
Ayon sa netizen, may nakapagsabi umano sa kanya na may ibang kasa-kasama ngayon si Christophe sa pag-eenjoy sa Siargao habang malayo ang nobya nitong si Nadine Lustre.
“Hi sir @cbariou someone told us from siargao that you been hanging with @maryloubvckvr for therese past few days using Nadine’s jeep, you’ve been always with her surfing, eating and skating.”
“We just wondering why you always spend time with her while Nadine is in Manila,” saad nito.
Agad namang ipinagtanggol ni Nadine ang kanyang nobyo pinagsabihan pa niya ang basher na huwag nang mag-umpisa ng drama sa pagitan nilang dalawa ng nobyo.
“Stop acting like you’re concerned. You’re just another hater tryna create drama.”
Ipinunto rin ni Nadine na hindi porke't may kasa-kasamang iba ay nanloloko na, kasi siya naman ay may nakakasama ring mga kaibigang lalaki, subalit hindi naman ibig sabihin nito na nagloloko na siya.
“Lagi ko ding kasama ‘yung mga guy friends ko recently, but that doesn’t mean I’m cheating.'”
“Di ba siya pwedeng magka-friends na girls? Di ko kaya ‘yung backwards mentality mo teh.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!