Nadine Lustre, Muling Itinanghal Na Best Actress sa FAMAS!

Lunes, Agosto 14, 2023

/ by Lovely


 Muling naiuwi ng aktres na si Nadine Lustre ang Best Actress award ng 2023 Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards night. Ito ang ikalawang pagkakataon na naiuwi ng aktres ang prestihiyosong parangal na ito.


Matatandaan na noong 2019, naiuwi ni Nadine Lustre din ni Nadine Lustre ang Best Actress award sa pelikulang Never Not Love You kung saan nakasama niya ang ex-boyfriend at dating ka-loveteam na si James Reid.


Sa kabilang banda, pinangaralan naman si Noel Trinidad bilang Best Actor para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 film na Family Matters. 


Bukod dito, inuwi din ng naturang pelikula ang Best Editing for Beng Bandong at si Nikki Valdez naman ang itinanghal bilang Best Supporting Actress.


Narito ang mga FAMAS 2023 winners:


Best Actress: Nadine Lustre sa kanyang pelikulang “Greed” 


Best Actor: Noel Trinidad para sa “Family Matters” 


Best Picture: “Family Matters” 


Best Director: Ma-an Asuncion-Dagñalan sa pelikulang “Blue Room” 


Best Supporting Actress: Nikki Valdez para sa “Family Matters” 


Best Supporting Actor: Sid Lucero sa “Reroute” 


Best Screenplay: Abet Raz at Alejandro Ramos sa “La Traidora” 


Best Cinematography: Neil Daza, “Blue Room” 


Best Production Design: Eero Yves Francisco, “Leonor Will Never Die” 


Best Editing: Beng Bandong, “Family Matters” 


Best Musical Score: Jazz Nicolas at Mikey Amistoso, “Blue Room” 


Best Sound: Alizen Andrade at Immanuel Verona, “Reroute” 


Best Short Film: “Golden Bells” by Kurt Soberano Fernando Poe Jr. 


Memorial Award: Sen. Lito Lapid, Susan Roces 


Celebrity Award: Liza Lorena Dr. Jose R. Perez 


Memorial Award: Jun Urbano German Moreno 


Youth Achievement Award: Jillian Ward 


FAMAS Lifetime Achievement Award: Marita Zobel 


FAMAS Exemplary Award in Public Service: House Speaker Ferdinand Martin Romualdez 


Face of the Night (Male): Mon Confiado 


Face of the Night (Female): Nadine Lustre 


Male Star of the Night: Sid Lucero 


Female Star of the Night: Jillian Ward


Samantala, nagbubunyi naman ang mga tagahanga ng aktres na si Nadine Lustre sa panibagong achievement na natanggap ng aktres ngayon.


Matatandaan, na noong nagdaang Metro Manila Film Festival 2022, tinanghal din si Nadine Lustre bilang Best Actress sa pelikulang Deleter.


Hinakot rin ng nasabing pelikula ang iba pang mga major awards. Marami rin sa mga fans ng actress ang very proud sa kanya dahil sa kanyang pagiging matatag at pagiging matulungin.


Sa pagiging Best Actress ni Nadine sa nagdaang MMFF 2022, pinapatunayan lamang umano ng actress na hindi niya kailangan ng ka-loveteam.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo