Nagbigay na ng pahayag ang Chairperson ng MTRCB na si Lala Sotto patungkol sa nagawalang violation ng Kapamilya noontime show na It's Showtime.
Matatandaan na nitong July 31, 2023, naglabas ng Notice to Appear and Testify laban sa productiong ng It's Showtime kasunod ng mga natatanggap nilang reklamo sa July 25, 2023 episode ng It's Showtime partikular na ang ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez.
Samantala, nagbigay na ng pahayag si Lala Sotto kaugnay sa pangyayaring ito at nilinaw din niya na ilang beses na rin nilang pinagbigyan ang It's Showtime.
Isiniwalat din ng MTRCB chairperson na ilang beses na rin nilang pinadalhan ng warning ang It's Showtime dahil may violations ito sa lengwahe at noong nagkaroon ng wardrobe malfunction si Regine Tolentino.
“Ang programang Showtime, I hope you don’t take it personally lalo na ‘yung kanilang mga supporter dahil ako ay lumaki sa isang noontime show.
“Naiintindihan ko po ‘yan, that is why I believe that the board has been tolerant, napakahaba po ng aming pisi.. Kung alam niyo po lang ay napakadami ng notice ang pinadala namin sa kanila.
“Nakailang warning narin sila dahil mayroon silang mga violation sa lengwahe, paulit-ulit po ‘yon.. May nipslip pa, hindi naman binigyan ng notice to appear para diyan because like I’ve said, I’ve been very tolerate, I’ve been very understanding and patient. Ngunit binibigyan sila ng warning at stern warning.
“Ngayon eto po ay hindi po namin palalampasin, magalit na kung sino ang magagalit,” saad ng MTRCB chairperson.
Ipinaliwanag din ni Lala Sotto ang kanilang procedure bago sila maglalabas ng Notice to Appear and Notify sa isang show o anumang palabas.
“Mayroon kaming sariling sistema, because we are to follow a due process,” Lala explained. “So halimbawa may natanggap kaming complaint, kailangan pang i-assess at i-verify ng aming monitoring inspection unit dahil hindi naman po basta magco-complain lang ay ibig sabihin ay may katotohanan na o may paglabag na.”
“Pagkatapos ng pagve-verify ang aming monitoring inspection unit o ang MIU ay magkakaroon sariling assessment and they will it refer this to the office of the chairman, nakakarating po sa akin."
“Pagkatapos po sa akin ito po ay idederekto sa legal affairs division.. pagkatapos ng legal affairs division mapupunta ito sa adjutication committee if it deserves a notice to appear or a dialog with the producers."
Nilinaw naman ni Lala Sotto na hindi kabilang sa mga ipinatawag nila ang hosts na sina Vice Ganda at Ion Perez, tanging mga producers lamang ng show ang kanilang pinatawag.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!