Movie Poster Ng Panibagong Pelikula Ni Aljur Abrenica Napuno Ng Pambabatikos

Huwebes, Agosto 3, 2023

/ by Lovely


Muling naging laman ng mga usapin online ang actor na Aljur Abrenica matapos ibahagi nitong August 2, 2023 ang poster ng kanyang panibagong pelikula.


Agad na umani ng samu't-saring reaksyon ang storyline ng pelikula at maging ang movie poster na ibinahagi.


Isiniwalat ng SM Cinema ang showing pelikulang 'Sa Kamay ng Diyos' na pinangungunahan nina Aljur Abrenica at Elizabeth Oropesa.


Ang pelikulang ito ay tungkol sa buhay ng isang Pastor na si Pastor Jonard Pamor at ang mga milagrong nangyari sa kanyang buhay.


Agad namang binatikos ng ilang mga netizens ang storyline ng pelikula. Bukod pa rito, nakatanggap rin ng mga negatibong komento ang movie poster ng pelikula ni Aljur.


Marami ang nagsasabing napaka-amateur ng pagkakagawa at napapatanong din sila kung bakit ito inaprubahan ng mga producers.


“Ba’t parang keme kemeng edit lang?”


“Very preschool ang design and layout lol.” 


“The thing about movies is that, in most cases, you can judge how good it is by its poster alone. So, good luck to the producers of this one.”


Samantala, binigyan naman ng negative infinity ratings ng Goldwin Reviews ang storyline at poster ng nasabing pelikula. Ipinahayag pa nila na maging ang 'Kamay ng Diyos' hindi makakaligtas rito.


"Hindi sila magkamukha. May eksena kung saan nagkaroon ng fade effect mula sa mukha ni Aljur Abrenica papunta sa mukha ni Jonard Pamor. Kitang-kita mo ang milagrong nangyari.


"Ang milagro ay nagmukhang kalokohan. Hindi siya tinatamaan ng bala. Hindi siya nababasa. Nangyayari na lang ang mga bagay-bagay kung kailan nila gusto.

Napaka-moody ng palabas na’to.


"May kakayahan siyang gumawa ng ipo-ipo. Sinampal niya yung babaeng sigaw nang sigaw. Sinuntok niya si Rez Cortez. Batugan siya. Namamahay siya ng mga babae. May kapangyarihan siya. Makapangyarihan siya. Hindi natin alam kung yun ang istorya na gustong ipamahagi ni Pastor Jonard Pamor, ngunit yun ang naiparating nila.


"Ito ang life story kung saan pagkatapos mong mapanuod ay mas lalo kang maguguluhan sa kwento ng kanyang buhay. Nang umulan ng katinuan mula sa langit, wala silang nasalo. Pati Diyos ay hindi kayang iligtas ang pelikulang ito."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo