Lubos na nagdadalamhati ngayon ang buong news department ng GMA Network dahil sa biglaang pagpanaw ng batikang journalist at news reporter na si Mike Enriquez.
Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang malungkot na balita sa biglaang pagpanaw ni Mike Enriquez.
Pinapatuhanan ito sa pagluluksa ng kanyang mga kasamahang news anchors kabilang na sina Arnold Clavio, Oscar Oida, Nelson Canlas, Shaira Diaz, Connie Sisson, Julius Segovia at ilan pang mga Kapuso artists.
Maging ang head ng GMA Integrated news ay nagpalit na rin ng kanyang profile picture, larawan na pangluksa na ngayon ang makikita sa kanyang account.
Ayon sa aming nakalap na impormasyon, cardiac arrest ang ikinamatay ni Mike Enriquez nitong August 29, 2023.
Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang pamilya ni Mike Enriquez hinggil sa napapabalitang pagpanaw ng batikang journalist.
Si Mike Enriquez ay kilala sa kanyang mga tag-lines na 'Excuse me.. po!' at 'Hindi namin kayo tatantanan!'
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!