Listahan ng mga sikat na aktor at aktres na maagang nagkaroon ng anak sa gitna ng kanilang kasikatan.
1. Buboy Villar
Si Buboy Villar ay sumikat nang gampanan niya ang papel ni Ding sa teleseryeng 'Darna' na ipinalabas noong sa GMA7. Nagkaroon siya ng American girlfriend at sila ay nag-live in.
Nagkaroon si Buboy ng dalawang anak sa edad na 21 years old. Sa ngayon ay hiwalay na sila ng kanyang girlfriend.
2. Janella Salvador
Unang kumalat ang chikang nagbubuntis si Janella dahil bigla na lamang siyang nawala sa limelight. Makalipas ang ilang mga buwan ay inamin nga ni Janella ang kanyang pagbubuntis sa edad na 22.
3. Jericho Rosales
Ang hunk actor na si Jericho Rosales ay nakaroon ng anak sa Filipina model noong siya ay 21 years old.
4. LJ Reyes
Si LJ Reyes ay nagbuntis sa kanyang unak anak na si Aki sa edad na 22 years old. Hindi umano siya pinanindigan ni Paulo Avelino. Si Paolo Contis naman ang tumayong ama ni Aki noong sila pa.
5. Sofia Andres
Ang eksena ni Sofia Andres ay maihahalintulad sa nangyari kay Janella, inilihim din ng aktres ang kanyang pagbubuntis subalit kalaunan ay napaamin din ito.
Nanganak si Sofia Andres sa napakagandang baby girl sa edad na 21 years old.
6. Jennylyn Mercado
Sa edad na 21, ipinanganak ni Jennylyn ang kanyang panganay. Anak ito ni Jennylyn sa kanyang dating boyfriend na si Patrick Garcia.
Sa ngayon, ang tumatayong ama ng bata ay ang asawa ni Jennylyn na si Dennis Trillo.
7. Sharon Cuneta
Si Mega Star Sharon Cuneta ay nagbuntis sa kanyang panganay na anak na si KC Conception sa edad na 19 years old sa dating asawa niyang si Gabby Concepcion.
Pumasok naman sa showbiz ang kanilang anak, subalit hindi ito sumikat ng husto kagaya nina Gabby at Sharon.
8. Janice De Belen
Sa edad na 18 years old, nanganak si Janice De Belen sa kanyang panganay noong magkarelasyon pa sila ng kanyang ex-boyfriend na si Aga Mulach.
Sinabi naman ni Janice De Belen na napakabata pa nila noon at wala pa sa tamang pag-iisip. Gayunpaman, hindi naman pinabayaan ni Aga ang kanyang anak at maayos ang komunikasyon nila ni Janice.
9. Piolo Pascual
Inamin ni Piolo na nagkaanak siya noong siya ay 20 years old pa lamang. Sa ngayon ay sumisikat na rin ang kanyang anak na lalaki at gumagawa ng sarili nitong pangalan sa larangan ng showbiz.
10. Andi Eigenmann
Unang tinago ni Andi Eigenmann ang kanyang pagbubuntis at kung sino ang ama ng kanyang ipinagbubuntis noong 2021.
Unang nadamay sa tsismis ang ex boyfriend na si Albie Casino subalit kalaunan ay inamin ni Andi na si Jake Ejercito ang totoong ama ng kanyang anak.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!