Ating balikan at kilalanin ang mga lalaking naging karelasyon ni Maja Salvador.
John Wayne Sace
Isa sa mga naunang maiugnay sa pangalan ni Maja Salvador noong nag-uumpisa pa lamang siya sa mundo ng showbiz ay ang dating actor na si John Wayne Sace. Una silang magkatrabaho sa teleseryeng Spirits noong 2004.
Muli silang nagkasama sa teleseryeng Sa Piling Mo na pinagbibidahan naman nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos noong 2006.
Inamin ni Maja na nagkaroon nga sila ng short term na relasyon ni John Wayne Sace dala rin umano sa kanilang loveteam noon.
Matteo Guidicelli
Aminado noon ang actor-host na si Matteo Guidicelli na bago pa man siya pumasok sa mundo ng showbiz ay matinding crush na niya si Maja Salvador.
Noong 2010, nakuha ni Matteo ang role sa Wansapanatym: Inday sa Balitaw. Kung saan kasama rin niya ang aktres na si Maja Salvador. Subalit, bago pa man ang tambalan nila rito, nauna nang lumabas ang haka-hakang nagdi-date na sila dahil si Matteo ang date ni Maja sa dinaluhan nitong Star Magic Ball.
Hindi naman nila hayagang inamin sa publiko ang kanilang relasyon hanggang sa maganap ang insidente sa pagitan nina Coco Martin at Matteo Guidicelli.
Nalink kasi noon sina Maja Salvador at Coco Martin matapos nilang magtambal sa isang teleserye. Umabot ito sa kumprontasyon sa pagitan nina Matteo at Coco na nauwi pa sa suntukan.
Nagseselos umano itong si Matteo sa closeness nina Maja Salvador at Coco Martin kaya naman nabunyag ang isang taong tinatago nilang relasyon.
Dahil sa insidenteng ito, lalong nagkalapit sina Maja at Matteo at nangangako pang ipaglalaban nila ang isa't-isa. Sinabi pa noon ni Matteo na si Maja na ang huling babae na kanyang mamahalin.
Subalit, noong 2012, inamin ng dalawa na tinapos na nila ang kanilang relasyon. Isa sa mga dahilan na sinabi ni Maja na dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang kawalan ng oras.
Gerald Anderson
Noong huling bahagi ng 2012, muling nakahanap ng panibagong mamahalin si Maja Salvador sa katauhan ni Gerald Anderson.
Kumalat ang spekulasyon na nagkakamabutihan na silang dalawa nang mamataan sa ilang mga larawan na magkasama sila sa isang bakasyon.
Ito rin ang pinagmulan ng isyung pagkasira ng pagkakaibigan nina Maja Salvador at Kim Chiu. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang relasyon noon nina Kim Chiu at Gerald.
Bagama't ilang taon din bago pumasok sa eksena si Maja Salvador, marami pa rin ang nang-iisyu sa dalawa dahil naturingang magkaibigan sina Maja at Kim.
Unang tumanggi si Maja na magbigay ng pahayag kung nanliligaw na ba sa kanya si Gerald noong mga panahong iyon.
Subalit noong June 2013, kinumpirma mismo ng actor na girlfriend na niya si Maja Salvador at hindi umano niya hahayaang mawala sa kanya si Maja dahil ipaglalaban niya ito.
Noong March 2015, naiulat naman ang kanilang paghihiwalay, ilang buwan matapos ang pangyayaring ito, nagbigay ng pahiwatig si Maja na si Gerald ang may problema kaya sila nagkahiwalay.
Rambo Nunez
Noon pa man ay naging bukas na sa pagpapahayag si Maja Salvador na may sinusunod siyang sariling batas na hindi siya makikipagbalikan sa kanyang mga naging ex boyfriends.
Subalit, hindi umano niya akalain na mababali niya ito nang muli niyang bigyan ng chance ang dati niya karelasyon na si Rambo Nunez.
Matatandaan na inamin noon ni Maja Salvador na ang dahilan kung bakit hindi nagtagal ang relasyon nila noon ni Rambo Nunez noong 21 years old pa lamang siya ay dahil sa pagpili niya sa kanyang career.
June 2018, muling nagkita sina Maja Salvador at Rambo Nunez sa airport. Hindi umano akalain ni Maja na ito na ang simula ng 2nd chance nila ng dating boyfriend na si Rambo Nunez.
February 2019, opisyal na nagkabalikan sina Maja Salvador at Rambo Nunez matapos ang 9 taon nang kanilang paghihiwalay.
Tila hindi naman sinayang nina Maja Salvador at Rambo Nunez ang kanilang 2nd chance dahil kasal na sila ngayon.
Pinapatunayan lamang nito na kahit matagal na nagkahiwalay at nagkaroon ng mga bagong pag-ibig. Gagawa at gagawa pa rin ng paraan ang tadhana na muling pagtagpuin ang dalawang pusong itinakda.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!