May Namamagitan Nga Ba Kay Sandro Marcos at Yassi Pressman?

Lunes, Agosto 14, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news ites ang intrigang may namamagitan kina Sandro Marcos at actress na si Yassi Pressman.


Viral ngayon at usap-usapan ang mga kumakalat na videos at photos nina Presidential son at Ilocos Representative Sandro Marcos at aktres na si Yassi Pressman, matapos magbahagi ang aktres na pahayag na tila hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Jon Semira.


Makikita kasi sa mga nasabing larawan na napaka-sweet ng dalawa na tila ba'y may namumuo nang pagmamahalan.


Unang kumalat ang mga larawan at video ng dalawa sa TikTok na kuha umano sa isang after party event. Agad na napansin ng mga netizens na may iba sa ipinapakitang sweetness at closeness ng dalawa.


May mga nagsasabi pang tila may something sa kanilang mga ngitian at titigan. 


Samantala, kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. May mga nagtaas ng kilay at binigyan pa ng ibang kahulugan ang mga videos at larawan na kumakalat online.


May mga hindi pumabor dito dahil kakahiwalay pa lamang umano ni Yassi Pressman sa kanyang jowa na si Jon Semira na palagi pa niyang ipini-flex noon sa kanyang social media accounts.


Samantala, may mga nagsasabi naman na wala namang masama kung may relasyon nga ang dalawa dahil wala pa naman silang mga asawang pareho at hindi pa ikinakasal.


"Bagay na bagay."


"Ang cringe naman maging bff ni Yassi Pressman lalo na kung may gf si Sandro."


"Sandro looks medyo uncomfortable ."


"Grabe ang lingkis kaagad."


"O diba may starlet na GF itong si Sandro, host siya ng Eat Bulaga, baka magselos yun."


"Ngee mukhang mag-ate."


Matatandaan na ilang araw pa lamang ang nakakalipas ng magbahagi si Yassi Pressman ng mga cryptic post patungkol sa tila paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend na si Jon Semira.


Napansin rin ng ilang mga netizens na hindi na nakafollow sa aktres ang kanyang nobyo.


Unang pumutok ang balitang hiwalayan nina Yassi Pressman at Jon Semira nang hindi na ito binati ni Yassi sa nakaraang kaarawan nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo