Sa kauna-unahang pagkakataon nagbigay na ng pahayag si Markus Paterson hinggil sa hiwalayan nila noon ng kanyang dating kinakasama na si Janella Salvador.
Sa kamakailang panayam ni Markus Paterson sa vlog ni Ogie Diaz, nagbigay siya ng detalye sa co-parenting set-up nila ni Janella Salvador sa pag-aalaga sa kanilang anak na si Trevor Jude.
Ibinahagi rin niya ang kanyang side at mga karanasan noong mainit pa ang isyu ng kanilang hiwalayan ni Janella.
Matatandaan na naiisyu noon si Markus Paterson na umanong sinasaktan si Janella. Siya rin ang nadidiin sa kanilang hiwalayan at sinasabing dahilan nito.
Subalit, ang lahat ng ito ay pinabulaanang lahat ni Markus Paterson.
Isiniwalat pa niya na tinawagan niya noon si Janella upang humingi ng tulong na malinis ang kanyang pangalan. Gayunpaman, hindi umano siya pinagbigyan ni Janella at pinabayaan na lamang siyang humarap sa mga pambabatikos.
“Pinaka-nakakatawa binubog ko raw siya, kaya kami nag-hiwalay. Nag-trending ng sobra… minessage ko si Janella, ‘Are you not going to answer these? Hahayaan mo lang ba na sisiraan ‘yung tatay ng anak mo ng ganyan?’ Wala, ayaw niya ma-involve, ‘baka tumagal pa issue’.”
“I understand… I never laid hands on her, hindi ako ganung tao. Sweet boy naman ako, hindi ko kayang manakit ng babae. Grabe naman, my father raised me right,” pahayag ni Markus.
Inamin naman niya na kinahiligan niya noon ang pag-inum ng alak kahit na alam naman umano niya na may trauma na si Janella sa mga taong lasing.
“Kahit alam niya na hindi ko sya kayang saktan, pag nakikita nya kong lasing, bumabalik ‘yung dating nangyari sa kanya, di ba? So I don’t blame her for that. Fault ko naman talaga ‘yun. Wala lang, ang hilig ko lang dati uminom.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!