Mark Leviste, Pinasalamatan Si Kris Aquino Sa Pag Aalaga Sa Kanyang Anak Sa US

Linggo, Agosto 13, 2023

/ by Lovely

Taus-pusong nagpapasalamat ang Batangas Vice Gvernor na si Mark Leviste sa Queen Of All Media na si Kris Aquino dahil sa pag-aalaga umano nito sa kanyang anak sa US.


Malaki ang pasasalamat ni Mark Leviste kay Kris Aquino dahil sa pagmamahal at pag-aalaga umano ng huli sa kanyang anak na si Conrado Antonio Leviste II na kasalukuyang nasa California,


Sa kamakailang Instagram post ni Mark Leviste nitong August 9, isiniwalat ni Mark Leviste na kasalukuyang kasama ng kanyang anak si Kris Aquino at ang mga anak nitong sina Josh at Bimby Aquino sa Orange County, California.


Matatandaan na nagpunta si Kris Aquino sa California noong nagdaang taon para ipagamot ang kanyang mga karamdaman na hindi maaring gamutin sa Pilipinas.


Samantala, ibinahagi rin ni Mark Leviste ang pamamasyal ng kanyang anak kasama sina Josh at Bimby sa Disneyland kasama ang iba pa nilang kaibigan.


"One day at Disney with ABC: Aquino, Binay and C2 ๐Ÿ‘ฌ๐Ÿป๐Ÿ‘ฌ๐Ÿป I'm glad to see @conradoleviste getting along well with the Aquino Bros & friends. C2, Bimb and Jej (Binay) are the same age - they were born in 2007, and as you can see (second frame) all of them are giants - standing over 6 feet with Kuya Josh being the tallest at 6’3”. 


"Presently, C2 lives with @krisaquino and the boys in Orange County, while I’m back in the ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ According to TK (Tita Kris) they’ve been developing a tight bond and making special memories everyday"


Pinasalamatan din ni Mark Leviste si Anne Binay, anak ng dating Vice President na si Jejomar Binay at sa kanilang pamilya na kasama rin ni C2 sa kanilang pamamasyal sa Disneyland.


"Thank you very much to Madame @annebinay, Boss Junjun Binay and family for “adopting” C2 for a day at the happiest place on earth. And of course thank you ML from the bottom of my heart for loving and taking care of C2 like your own - there's nothing more magical than that ✨๐Ÿ’–๐Ÿ™๐Ÿฅฐ #WeAreFamily #FamilyIsLove #LoveLoveLove"


Samantala, kinumpirma naman ni Mark Leviste na ang ML sa kanyang post ay nangangahulugang My Love na si Kris Aquino naman ang tinutukoy.


Kaya naman, marami ang natuwa sa pagpapahayag na ito ni Mark Leviste dahil makikita ang pagmamahal at effort nito kay Kris Aquino. Nasisiyahan din ang ilan sa mga tagahanga ni Kris Aquino dahil makikitang malapit ang kanyang mga anak kay Mark Leviste.


Magkaibigan din umano ang kani-kanilang mga anak at nagkakasundo. Kaya naman marami ang umaasa na magkakaayos at magbalikan na sina Kris Aquino at Mark Leviste.


Kamakailan lamang ay inamin ni Kris Aquino na humingi muna siya ng pause sa relasyon nila ni Mark Leviste dahil marami umanong mga obligasyon si Mark Leviste sa mga mamamayan ng Batangas na bumuto rito.


Isa pa sa dahilan ni Kris Aquino ay ang kanyang sakit na nagpapahina umano sa kanyang katawan.


Gayunpaman, binigyan naman ni Kris Aquino ng isang sing-sing si Mark Leviste na sumisimbolo umano sa kanilang pagmamahalan at pagkakaibigan na mananatili, magkasama man sila o hindi.


Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens na hanggang ngayon ay umaasa pa rin na magkakabalikan sina Kris Aquino at Mark Leviste.


"Valentines Day, Feb. 14 marks ML’s birthday, Christmas Day, Dec. 25 marks VG’s birthday… so when will be the day that will mark VG & his ML become as “one”? Sana soonest na po… Abangan ang mga susunod na chapter sa “biyaheng kapitolyo”…. batangueno ren po kami kahit based sa NY-NJ po. Go for it VG"


"Piolo at Shaina Yong medyo like ko kc bagay mga mukha nila....pero mas kinilig ako sa mark leviste๐Ÿ’˜Kris Aquino ...nakaabang ako๐Ÿ˜ Sana magkatuluyan..."


"Seeing these pics with madam @krisaquino’s kids and yours, sir @markleviste means that your love for her is unconditional and constant. Hope the sweet couple pictures nyo ni madam"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo