Mark Leviste Nagsalita Sa Lagay Ni Kris Sa Puso Niya Matapos Lumabas Ang Photo Na May Ibang Babae!

Martes, Agosto 29, 2023

/ by Lovely


 Sa kabila ng pakikipaghiwalay ni Kris Aquino kay Vice Governor Mark Leviste, wala pa ring tigil ang huli sa pagpapakilig sa kanilang mga tagasuporta sa pamamagitan ng pagbabahagi na inaalagaan pa rin niya ang Queen of All Media.


Samantala, naging usap-usapan ngayon ang isang larawaan ni Vice Governor Mark Leviste na kuha mula sa paglalaro niya ng golf.


Ibinahagi ito mismo ni Vice Gov. sa kanyang Instagram account kalakip ang caption na, "I gotchu."


 Mapapansin naman sa comment section na may isang netizen na nagtanong kay Mark kung sino ang kasa-kasama nitong babae habang naglalaro.


Kumakalat na ito ngayon sa social media, kung saan agad umalma ang mga fans ni Kris Aquino at pinagpaliwanag si Mark Leviste kung bakit kasama niya ang babae.


Nais linawin ng mga fans ni Kris Aquino kung para kanino ang caption niya sa post at kung ano ang namamagitan sa kanila ng babae.


"I gotchu sino, VG? Para malinaw. Alam mo naman mas selosa pa kami kesa sa may karapatang mag-selos."


Agad naman itong sinagot ni Vice Gov. Mark Leviste at nilinaw na iisang tao lang naman ang kanyang napupusuan.


Tila napanatag naman ang loob ng mga netizens at maging ng mga fans ni Kris Aquino dahil sa paglilinaw ni Mark.


May mga nagtatanggol naman kay Mark Leviste at ipinuntong hindi na umano kataka-taka kung may ibang makasama si Mark Leviste dahil sa linya ng kanyang career bilang public servant.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo