Isiniwalat ng aktres na si Maja Salvador na matagal na silang kasal ng kanyang mister na si Rambo Nunez.
Ayon kay Maja Salvador, nagpasecret marriage na umano sila ni Rambo Nunez noong buwan ng February sa BGC, bago sila nagpakasal sa Bali Indonesia nitong July 31, 2023.
Sa isang panayam, inamin ni Maja Salvador na naganap ang kanilang secret ceremony sa Grand Hyatt Manila ng Bonifacio Global City noong February 14. Espesyal ang araw na ito kina Maja Salvador at Rambo Nunez dahil ito rin ang kanilang anniversary.
Inamin din ni Maja Salvador na kinailangan nilang magpakasal sa Pilipinas for technical purposes dahil hindi umano iu-honor ng batas ng bansa ang kanilang kasal sa Bali, Indonesia.
“Dapat talaga isang beses lang. Pero, since pinili namin to have a destination wedding, hindi kasi i-o-honor ng Philippines ’yung wedding namin sa Bali.”
Tangin malalapit na kamag-anak lamang umano ang dumalo sa kanilang civil marriage na sinundan ng isang masayang dinner na bukas naman sa kanilang mga kaibigan.
Unang nagdate sina Maja Salvador at Rambo Nunez noong 2010, subalit hindi nag-work out ang kanilang relationship.
After 9 years muling nagkrus ang kanilang landas at nagkabalikan. Na-engage naman sina Maja at Rambo noong buwan ng Abril ng nakaraang taon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!