Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media at ilang mga entertainment news sites ang aktres na si Maine Mendoza matapos niya i-like ang isang social media post ng isang netizen na nananawagan sa MTRCB patungkol sa pagmumura ni Wally Bayola sa isang episode ng E.A.T.
Matatandaan na nitong mga nagdaang araw, marami ang nananawagan sa MTRCB na aksyunan ang ginawang pagkakamali ni Wally Bayola sa episode ng E.A.T.
Napansin ng ilang mga netizens like history ni Maine Mendoza sa Twitter, gayunpaman, kung titingnan ang official Twitter account ni Maine Mendoza makikitang wala naman roon ang sinasabing nilike na post ni Maine.
Samantala, ibinahagi ng ALTStarMagic page ang screenshot ng nasabing post ng netizens kung saan makikitang nilike nga ito ni Maine Mendoza.
May mga nagbahagi rin ng screenshot sa mismong Twitter account ni Maine Mendoza kung saan makikita rin ang kanyang paglike sa post ng netizen.
Samantala, may mga E.A.T fans naman ang nagtatanggol kay Maine Mendoza at sinabing baka aksidente lamang na napindot ni Maine ang like button sa nasabing post.
"Pwede namang na-accidental like niya yung post. Ganun nangyayari sakin pagnagsscroll ako sa social media befoire going to bed. Yung paantok ka na tapos di mo alam kung ano na pala napipindot mo."
Sa kabilang banda, hindi pa nagbibigay ng pahayag patungkol dito si Maine Mendoza.
Samantala, nagbigay na ng reaksyon ang MTRCB kung saan binigyan nila ng Notice to Appear and Testify ang production ng E.A.T kasunod ng nagawang violation ni Wally Bayola.
Magaganap ang hearing sa darating na lunes, August 14, 2023 sa opisina ng MTRCB sa Timog Avenue, Quezon City.
Maaring kakaharapin ng E.A.T ang suspension or cancellation of permits and/or licenses issued by the Board and/or with the imposition of fines and other administrative penalty/penalties.
Nauna rito, humingi nagbigay ng public apology si Wally Bayola kung saan sinabi niyang hindi niya sinadya ang nangyari at humihingi siya ng pasensya at pang-unawa sa lahat.
"Ako po ay may nabitawang salita na hindi ko po dapat sinasabi, nagkamali po ako doon at ako po ay humihingi ng paumanhin at pang-uunawa ninyong lahat. Pasenya na po, pasenya napo sa lahat," pahayag ni Wally Bayola.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!