Maine Mendoza at Arjo Atayde Hindi Maipaliwanag Ang Saya

Huwebes, Agosto 31, 2023

/ by Lovely


 Hindi maipaliwanag ng actor-politician na si Arjo Atayde ang kanyang saya na nadarama ngayon isang buwan na silang kasal ng kanyang minamahal na si Maine Mendoza.


Isang buwang matapos ang naganap na kasalan sa pagitan nina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa Baguio, ibinahagi ni Arjo Atayde ang ilan sa mga kaganapan sa buhay nila ni Maine Mendoza ngayong isa na silang married couple.


"It's a very fun and very happy I don't know how to explain ito but few adjustment, here ang there I don't know how to explain it. I'm just happy. I am just very happy."


Makikita naman sa mukha ni Arjo Atayde na talagang masaya siya na asawa na niya ngayon si Maine Mendoza kahit pa marami sa mga fans ng aktres ang hindi kumbinsido sa naganap nilang pagpapakasal nila noon.


Masaya rin umano si Arjo Atayde na gumigising siya na ang una niyang masisilayan ay ang mukha ng kanyang minamahal.


Hindi rin umano naniniwala si Arjo Atayde sa mga sinasabing maaring mag-iba ang kanilang pagtitinginan ni Maine balang araw.


Para kay Arjo mananatili at panghabang buhay na ang kanyang nararamdaman para kay Maine Mendoza.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo