Nagbigay ng pahayag ang aktres at dating Girltrends Dancer na si Maika Rivera patungkol sa relasyon ng kanyang ex-boyfriend na si Bobby Ray Parks Jr. at Zeinab Harake.
Si Maika Rivera at Bobby Ray Parks Jr. ay dating magkarelasyon. Si Maika rin ang huling naging girlfriend ni Bobby Ray Parks Jr. bago naging sila ni Zeinab Harake.
Hindi naman naging malinaw kung kailan nagsimula ang kanilang relasyon noon. Subalit noong 2020 hanggang 2021 makikitang nagbabahagi pa sila ng mga sweet moments nila.
Hindi rin naman naging malinaw kung kailan sila naghiwalay kaya naman, napapatanong ang ilang mga netizens kay Maika kung ano ang kanyang saloobin sa relasyon ngayon nina Zeinab Harake at dating boyfriend na si Bobby Ray Parks.
"Alam kung matagal niyo nang gustong malaman ang sagot sa tanong na ito," panimulang pahayag ni Maika.
"Pero I'm genuinely happy for them so it doesn't really matter what I think... doesn't matter. I'm happy that there happy that's it," saad nito.
Tila naka move-on na rin naman si Maika Rivera sa naging relasyon nila noon ni Bobby Ray Parks dahil masaya ito sa pagkakaroon ng panibagong jowa ng kanyang ex-boyfriend.
Tila hindi na rin ito nagiging bitter sa mga ibinabahaging sweet posts nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks, lalo na't nakakasama ni Zeinab sa kanyang mga vlogs si Ray.
Samantala, marami naman ang natutuwa sa relasyon ngayon nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks. May mga nagsasabi pang nakajackpot sila sa isa't-isa .
Marami rin ang humahanga kay Bobby Ray Parks Jr. hindi lamang sa pagmamahal na ipinapakita nito kay Zeinab Harake kundi maging sa mga anak nito.
Makikita sa mga ibinahaging vlogs ni Zeinab Harake kung gaano silang inaalagaan ni Bobby Ray Parks Jr. kung saan itinuturing pa nitong anak ang dalawang bata.
Hindi rin mapigil ng ilang mga netizens pa pagkumparahin sina Bobby Ray Parks Jr. at dating karelasyon ni Zeinab Harake na si Skusta Clee.
Ayon pa sa ilang mga netizens, napakalaki ang kaibahan ng dalawa mula sa pag-aalaga at sa pagpapakita nito ng pagmamahal sa mag-ina.
Marami rin sa mga fans ni Zeinab Harake ang humihiling na sana ay si Bobby Ray Parks Jr. na nga ang lalaking para rito dahil makikitang mahal na mahal nito si Zeinab at kanyang mga anak.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!