Luis Manzano, Abswelto Sa Kasong Syndicated Estafa!

Huwebes, Agosto 10, 2023

/ by Lovely


 Luis Manzano, nalinis na ang pangalan, hindi na siya kabilang sa mga kinasuhan ng syndicated estafa sa nangyaring Flex Fuel Scam.


Ang actor-host na si Luis Manzano ay abswelto na sa kasong syndicated estafa na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa labing isang opisyal ng Flex Fuel Petroleum Corporation bukod pa sa pinuno nito.


Matatandaan na nasangkot ang pangalan ni Luis Manzano sa Flex Fluel scam nang kabilang siya sa mga inireklamo ng nagpakilalang investor ng nasabing gas company.


Gayunpaman, kamakailan lamang ay nilinaw na ng NBI na hindi kabilang si Luis Manzano sa mga sangkot sa nasabing panloloko.


Ipinakilala na rin ng NBI ang mga taong nasa likod ng nasabing corporasyon kabilang na ang pinuno nitong matalik na kaibigan noon ni Luis Manzano na si Ildefonso C. Medel Jr. na mas kilala bilang si Bong Medel.


Narito naman ang iba pang samgkot at mga opisyal na kinasuhan ng NBI ng Syndicated Estafa.

Atty. Arthur Anthony S. Alicer

Anthony Bernard C. Sales

Kristina Marie A. Medel

Analiza P. Gavia

Roy Real R. Ranada

Anna Bernardino

Charlemagne Q. Presto

Alias Arnel

Alias Ninette

Joenil Baptista

Zoilo Baggie Centeno Jr.


Ayon sa mga kumakalat na ulat, ang mga pangalan na nasa itaas ang siyang may pakana at mga tao sa likod ng Flex Fuel Scam base na rin sa imbestigasyon at pahayag ng NBI.


"The above-named executives are the company officers when Flex Fluel has solicited investments from the public under the pretense that their one-time investment will make them co-owners of the gasoline stations. This representation, nonetheless, did not materialize," pahayag ng National Bureau of Investigation.


Sa kabila ng katotohanang si Luis Manzano ay isa sa mga incorporator ng nasabing gas compay, hindi siya napasama sa mga kinasuhan ng NBI dahil sa kanyang pagreresign noong 2021.


Ayon pa sa imbestigasyon na isinagawa ng NBI nang mag-invest ang ilan sa mga nagrereklamong investors ay nakapagresign na si Luis Manzano.


Hindi na umano nakita ang pangalan ni Luis Manzano sa mga SEC documents na nakuha ng NBI.


Samantala, nagbigay rin ng update ang NBI patungkol sa pagrereklamo ni Luis Manzano laban sa dating kaibigan na si Bong Medel.


Ayon sa NBI, hanggang ngayon ay nakapending pa rin ang kaso kagaya ng sa iba pa subalit nakipagcoordinate na sila sa mga kinauukulan.


"As to the complaint filed by Manzano against Medel Jr. involving the former's investment with Flex Fuel, the same is still pending investigation. Meanwhile, coordination with SEC and the Anti-Money Laundering Council (AMLC) has been made."


Matatandaan na nagreklamo rin si Luis Manzano laban sa Flex Fuel matapos hindi rin makuha ang perang kanyang inenvest sa halagang 66 milyon pesos.


Labis naman ang pasasalamat ni Luis Manzano sa NBI at sa pagkakalinis ng kanyang pangalan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo