Engage na si Lovi Poe sa kanyang long time boyfriend na si Montly Blencowe.
Ibinahagi mismo ni Lovi Poe sa kanyang Instagram account ang larawan ng isang singsing kalakip ang kanyang life update patungkol sa personal niyang buhay.
"couple of years ago, there were two coffees, one sunrise, and a ring. ☕️🌅💍
We’ve shared and celebrated this moment quietly with our family and closest friends, so we’re now more than happy to share this sweet #lifeupdate with you" caption ni Lovi Poe sa kanyang Instagram post.
Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para kina Lovi Poe at sa kanyang fiance na si Monty Blencowe mula sa kanyang mga tagahanga at mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz industry.
Si Lourdes Virginia Moran Poe, na mas kilala bilang Lovi Poe, ay isang Filipino actress, model, recording artist at executive producer. Siya ay anak ng kilalang action star na si Fernando Poe Jr.
Unang nakilala si Lovi Poe sa kanyang natatanging pagganap sa ilang mga teleserye ng GMA network, subalit kalaunan ay lumipat siya sa kabilang network, ang ABS-CBN.
Ang relasyon nina Lovi Poe at Monty Blencowe ay isa sa mga nagpapatunay na nagwowork-out talaga ang long distance relationship.
Si Lovi Poe ay naka-base sa Manila habang nakabase naman sa Los Angeles si Monty dahil sa kani-kabilang trabaho.
Sa kabila nito napanatili pa rin ng dalawa na maging matatag ang kanilang relasyon. Sinabi pa nila na masaya pa rin silang dalawa sa kabila ng pagkakalayo nila physically.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!