Naglabas na rin ng mensahe ng pagdadalamhati ang veteran showbiz columnist na si Manay Lolit Solis sa biglaang pagpanaw ng batikang news anchor na si Mike Enriquez.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Lolit Solis ang kanyang pagkalungkot dahil sa tuluyang pamamaalam ni Mike dahil sa kanyang mga karamdaman.
"Salve 24Oras will never be the same again after the death of Mike Enriquez. Grabe talaga ang impact dahil matagal mo ng nakasanayan na napapanuod si Mike Enriquez.
"Maganda naman ang naiwan niyang alaala dahil nakita mo talaga ang lungkot sa mga kasamahan niya sa TV at radio. Mabait na tao si Mike Enriquez kaya siguro malungkot ang marami sa kanyang pagkawala.
"Babaguhin ng pagkawala niya ang landscape ng TV at radio dahil sa tagal niyang napapanuod at napapakinggan. Iba rin siyempre ang binigay niyang dedikasyon sa trabaho, at ang pakikisama niya sa tao. Rest in peace Mike Enriquez, we will not forget your work and dedication, your memory will be with us, promise."
Maging ang ilang mga manonood ng 24 Oras ay nalungkot rin sa kaalamang pumanaw na si Mike Enriquez kahit pa hindi na ito aktib ngayon dahil sa kanyang mga komplikasyon.
Tumatak din ang ilang mga tag line na ginagamit noon ni Mike Enriquez kabilang na ang, 'Excuse me po!' at 'Hindi namin kayo tatantanan!'
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!