Lolit Solis Muling Tinawag Na Laos Si Willie Revillame, Dahilan Kung Bakit Niya Ito Binanatan, Isiniwalat Na

Huwebes, Agosto 10, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang binanatan ng veteran showbiz columnist at talent manager na si Manay Cristy Fermin ang TV-host na si Willie Revillame matapos ibinahagi ng huli na malapit nang makabalik sa telebisyon ang kanyang show na Wowowin.


Ipinaliwag din ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram post kung bakit nagagalit siya kay Willie Revillame at kung bakit palagi niyang ipinupuntong matagal na itong laos.


Ayon kay Manay Lolit Solis, nag-umpisa ang kanyang inis kay Willie Revillame ng tanggalin nito show ang isa sa kanyang mga kaibigan na si Jopay Manago.


Si Jopay Manago ay isa umanong talent coordinator sa show noon ni Willie Revillame. Matapos itong sesantihin ni Willie ay pinasok na ito sa home for the aged dahil wala na itong pamilya.


"Baka isipin Salve ng tao na sobra ako mean o salbahe kay Willie Revillame. Actually ang reason lang naman kung bakit ako nagalit eh ng alisin niya sa trabaho si Jopay Manago na dati niyang talent coordinator. Kasi nga after mawalan ng work si Jopay inilagay na siya sa Home for the Aged dahil mag isa lang siya sa buhay."


Bagama't alam naman umano ni Lolit Solis na hindi dapat si Willie ang kanyang sisisihin dito kundi ang sariling pamilya ni Jopay, hindi umano niya maalis sa isip ang kanyang inis sa TV-host dahil napasok sa home for the aged si Jopay matapos itong mawalan ng trabaho.


"Alam ko na dapat hindi ako kay Willie nagalit kundi sa mga kamag anak ni Jopay. Pero hindi kasi mabura sa isip ko na kaya nasa Home for the Aged si Jopay dahil nawalan siya ng trabaho."


Nanawagan naman si Manay Lolit Solis sa pamilya ni Jopay na sana naman ay dalawin din nila ito. Hiling din niya sa kanyang mga fans na sana ay isama sa kanilang mga panalangin si Jopay.


"Dasal na nga lang ang puwede gawin for Jopay na sana maayos ang lagay niya. At sana magkaruon ng kahit konti panahon mga kamag anak niya na dalawin siya."


Muli rin niyang pinayuhan si Willie Revillame na huwag nang ipilit ang kanyang sarili at ang kanyang show dahil medyo tagilid na ito sa ngayon. Maari pa naman umano itong bumalik kung hahanapin itong muli ng mga tao.


"huwag ipilit kung medyo nag slide ka na as an entertainer. Hintayin mo na lang ulit na hanapin ka ng tao bago bumalik sa harap ng kamera. Huwag ipilit kung talagang hindi ka na hinahanap ng tao. Pahinga muna."


Dagdag pa ni Manay Lolit Solis, "Mag isip ng mga bagong jokes. Tignan uli kung ano gusto ng manunuod. Puwede naman pahinga muna. Huwag pasok ng pasok pag di mo pa oras dahil hindi pa interesado mga tao sa iyo."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo