Lolit Solis, Labis Na Naawa Kay Paolo Contis Dahil Nagiging Punching Bag Na Ito

Martes, Agosto 1, 2023

/ by Lovely


Labis na umanong naawa si Manay Lolit Solis sa kanyang alaga na si Paolo Contis dahil ito umano ang tumatanggap sa mga pambabatikos ng mga panibagong hosts ng Eat Bulaga.


“Alam mo Salve, awang awa naman ako kay Paolo Contis. Siya ang punching bag ng grupo nila sa Fake o 2nd Bulaga. Kasi nga siya ang pinaka parang leader ng grupo kaya siya ang tumatanggap ng lahat ng suntok o bashing. 


"Ok lang basta hindi nakakapikon ang mga salita, pero mas madalas na hindi mo na halos matanggap ang binibitiwan nila against Paolo Contis. Whatever the reason, sige palampasin na lang,” saad ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram post.


“Basta gusto niya ginagawa niya, masaya siya sa grupo niya, go lang. Eh ano ba kung siya ang sacrificial lamb. Ok lang na taga tanggap siya ng bashing at puna. Trabaho lang, walang personalan,” dagdag pa niya.


Hiling naman ni Lolit Solis na sana ay mapunta sa mabuti ang talent fee na natatanggap ng aktor-host mula sa noontime show. Hiling din ni Lolit Solis na sana ay mabili na ni Paolo Contis ang matagal na niyang pinapangarap na bahay.


“Sana lang maisip ni Paolo Contis na dahil sa sakripisyo niya sa programa, iyon sanang kikitain niyang TF mapunta sa mabuti. Sana ngayon makabili na siya ng bahay, at maging maayos na ang kanyang buhay. 


"Sakit sa dibdib ang isa sa nakuha niya dito sa Bulaga, sana bigyan din niya ng Bulaga ang buhay niya. Mabili na sana niya ang bahay na matagal na niyang pangarap kung saan puwede niyang dalhin mga mahal niya sa buhay. Sige lang, trabaho lang.”


Sa huli, nagbigay rin ng mensahe si Manay Lolit Solis sa mga panibagong Eat Bulaga hosts na kasamahan ni Paolo Contis.


“Just look up Paolo Contis, your head high , and stay focus. Be a man of honor, do what you think is right, and move forward. Salute.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo