Tumatanggap ngayon ng kaliwa't-kanang papuri ang aktres na si LJ Reyes, matapos lumabas ang mga larawan ng prenuptial shoot nila ng kanyang soon to be husband na si Philip Evangelista.
Napapansin ng maraming netizens na nag-glow up ngayon si LJ Reyes at kitang-kita na rin umano ang saya sa pagmumukha ng aktres.
"Happiness looks good on you," isa lamang sa mga papuring natatanggap ngayon ni LJ Reyes mula sa mga netizens.
Marami rin ang masaya para kay LJ dahil nakatagpo na umano ito ng lalaking handa siyang pakasalan.
Sa Instagram, ni-repost ni LJ Reyes ang ibinahaging mga larawan ng Niceprint Photography sa naganap na prenup shoot nila ni Philip.
"to forever," simpleng caption ni LJ sa kanyang post kalakip ang isang red heart emoji.
Muli namang nagpaabot ng pagbati sa comment section ang ilan sa mga fans at mga kaibigan ni LJ Reyes sa loob at labas ng showbiz industry.
"Great things happen to good people! What a warrior! He’s indeed a keeper! Well deserved happiness and more!"
"Ang bango naman talaga tignan nyaaarn!!!! Love youuu nay! Again, im happy for you! Huyyy phil paamoy naman nga hahaha"
"In Gods perfect time, He sent your Gods best. Best wishes"
"Yung mga ngitit at kislap ng mata mo mars iba! Nakakahawa! I’m so happy for you talaga!"
Marami ang masaya para kay LJ Reyes dahil napunta na umano ito sa isang responsableng lalaki at hindi umano kagaya ng mga ex ni LJ Reyes.
Matatandaan na noong May 2023, lumabas ang balitang engage na sila ni Philip Evangelista.
September 2021 naman ng magpasya si LJ na umalis sa Pilipinas kasama ng kanyang dalawang anak matapos kumpirmahin ang hiwalayan nila ni Paolo Contis.
Sa gitna ng papuring tinatanggap ngayon ng aktres, patuloy pa ring binabatikos ang TV host-actor na si Paolo Contis dahil sa kanyang naging pag-amin noon na hindi siya nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak, kay Lian Paz at LJ Reyes.
Nakadagdag pa rito ang pagpalit niya bilang host ng Eat Bulaga.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!