Little Miss Philippines Ibabalik Ng Eat Bulaga Bilang Pantapat Sa Mini Miss U ng It's Showtime

Lunes, Agosto 7, 2023

/ by Lovely


 Inanunsyo na ng Eat Bulaga na ibabalik na nila ang sikat na kompetisyon sa kanilang show na Little Miss Philippines sa gitna ng kasikatang tinatamo ng Mini Miss U ng It's Showtime.


Matatandaan na kadalasan sa mga batang sumali sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga ay talagang sumikat sa larangan ng pag-aartista o di kaya ay sa pagiging singer.


Kabilang sa mga kilalang produkto ng Little Miss Philippines ay sina Camille Prats, Aiza Seguerra, Gladys Reyes, Julie Ann San Jose, Kim Domingo, Ryza Mae Dizon, and Pauleen Luna.


Ang Little Miss Philippines segment ng Eat Bulaga ay mula pa noong 1874.


Samantala, base sa ipinakitang teaser ng nasabing kompetisyon, makikitang ang panibagong host sa segment na ito ay sina Wynwyn Marquez at Cassy Legaspi.


Hindi naman nila maitago ang kanilang excitement na maging host sa segment ng Eat Bulaga na dati pa umano nilang pinapanood.


Inamin pa ni Cassy Legaspi na gusto niyang sumali noon sa Little Miss Philippines subalit,  hindi ito natuloy dahil mahiyain umano siya noon.


“Actually noong bata pa ako mahiyain ako pero yan talaga ang dream ko.”


Samantala, ipinahayag naman ni Wynwyn Marquez na noon pa man ay sinubaybayan na niya ang Little Miss Philippines. Ibinunyag din niya na papasalihin niya ang kanyang anak rito.


“Lagi akong nanonood niyan. Pero actually ‘yung anak ko ang pangarap kong sumali sa ‘Little Miss Philippines,’” saad naman ni Wynwyn.


Agad naman itong umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens na nagsasabing tila pinanindigan na umano ng TAPE Inc, na sila talaga ang nagmamay-ari ng lahat ng naging segment ng Eat Bulaga na pinasikat ng TVJ 44 years ago.


Marami rin ang nagsasabing tiyak na hindi ito magugustuhan ng TVJ.


Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang E.A.T kung ano ang segment na ipapantapat nila sa Mini Miss U ng It's Showtime at Little Miss Philippines ng Eat Bulaga.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo