Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang kumakalat na video patungkol sa pag-che-cheat umano ng dating Pinoy Big Brother Housemate grandwinner at Tawag ng Tanghalan contender na si Lie Reposposa sa kanyang afam na boyfriend.
Kumakalat ngayon ang isang video clip kung saan tila naglalambingan at may ibang katukaan si Lie sa isang bar. Ang mas nakakagulat pa rito, hindi ang kanyang foreigner boyfriend na si Paul Joshua Marsden ang kanyang kasama kundi ibang afam naman.
Ayon sa uploader ng video, nasa isang bar ito sa Poblacion, Makati.
Ayon pa sa uploader kasama ni Lie Reposposa sa mga panahong iyon ang kanyang mga kaibigan.
“Sinetch itey na sikat na tiktokerist from pbb na todo broadcast sa socmed about sa jowa nyang afam tapos may ibang kahalikan sa pobla?”
Kitang-kita pa sa video ang pagkandong ni Lie Reposposa sa AFAM habang magkalapit ang kanilang mukha sa anong nagtutukaan na.
Agad naman itong nagtrending at nakarating pa sa foreigner boyfriend ni Lie na si Paul Joshua Marsden.
Ayon kay Paul, hindi siya makapaniwalang si Lie Reposposa ang nasa video dahil matagal na umano silang engage at sa katunayan magpapakasal na sila sa susunod na taon. Hindi pa lamang umano nila ito inamin sa publiko sa pagbabawal ng management ni Lie.
“It’s crazy, we are engaged. We tell the public we are not because of her management but we are meant to get married in the new year. Can’t believe it.”
Marami naman ang nagulat sa pahayag na ito ng boyfriend ni Lie dahil nauna na niyang itinanggi ang engagement nilang dalawa ng nobyo at sinabi pang ang suot-suot niyang singsing ay hindi engagement ring kundi isa lamang promise ring.
Dahil dito, labis na binabatikos ngayon si Lie Reposposa dahil sa hindi siya nakuntento sa kanyang boyfriend gayung gwapo naman ito.
“ahahahahaha gwapo na nga ng afam mo eh dipa nakuntento.”
Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman ng ilang mga fans si Lie Reposposa at sinabing hindi naman malinaw ang video kaya hindi siguradong si Lie ang tinatawag na malanding babaeng iyon.
May mga nagsasabi pa na magkahawig lamang ang damit na kanilang sinusuot.
Sa kabilang banda, hindi pa rin nagbibigay ng pahayag si Lie Reposposa hinggil sa kumakalat na videong ito.
@demonxonzy8 "ANGELIE REPOSPOSA ISSUE ACTUAL FOOTAGE" namataan sa isang club si lie na may kahalik@ng ibang lalaki kasama ang kaniyang mga kaibigan. matatandaang may boyfriend si lie na isang foreigner at marami ang napasanaol dito. sa ngayon, naka turn off na ang comment section ni lie sa kanyang tiktok account. 🤦🏻♀️ #angeliereposposa #issue #trending #viral #fyp #liereposposa #angeliereposposaissue #cheat #pbb #like #fyppppppppppppppppppppppp ♬ original sound - reymartgabiran8 - demonxonzy
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!