Leading Man Ni Herlene Budol Na Si Rob Gomez Binugb0g Si Shaila Rebortera Matapos Ibuking Na May Anak Sila?

Lunes, Agosto 7, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang ibinahaging post ng beauty queen na si Shaila Rebortera.


Ang kanyang mga social media post ay may kaugnayan na tila isa siyang biktima ng pambubugbog. Sa kanyang ibinahaging larawan makikita ang isang collage ng mga photos na nagpapakita ng mga pasa na tila mula sa pambubugbog.


Subalit, hindi naman makikita sa kanyang post ang mukha ng babae. Subalit ni repost naman ito ng isang pageant page. Makahulugan rin ang naging caption ni Shaila sa kanyang post, "It's just social media", "I'm just protecting my career", "Let the show stay number one".


Ang mga pahayag na ito ay gamit na gamit ng mga taong nais alagaan ang kanilang mga showbiz career higit pa sa lahat ng bagay.


Samantala, ang nakapagbigay naman ng kontrobersya sa Instagram stories na ito ni Shaila Rebortera ay ang pagtag niya sa Instagram account ng Kapuso actor na si Rob Gomez.


Si Rob Gomez ay isang Filipino actor, nakilala siya sa kanyang pagganap sa Girl and Guy noong  2021 at Mano Po Legacy: The Family Fortune noong 2022.


Kasalukuyan, siya ang leading man ng actress-beauty queen Herlene Nicole Budol teleseryeng Magandang Dilag.


Matatandaan na kamakailan lamang ay isiniwalat ni Shaila Rebortera na may anak sila ni Rob Gomez.


Kasunod nito, kumakalat din ang isang screenshot na naghahanap ng marerentahang kwarto mula sa account ni Shaila.


"Looking for 1br-2br long term rent. Semi-furnished or fully furnished. Move in asap."


Sa kabilang banda, sa ngayon ay hindi na makikita ang nasabing Instagram stories ni Shaila,


Subalit kung pagbabasehan ang mga recent comments sa Intagram post ni Shaila kung saan inamin niya ang pagkakaroon nila ng anak ni Rob Gomez, mahihinuhang may pinagdadaanan nga ngayon ang dating contestant ng Miss World Philippines.


May mga humiling na sana ay makuha umano ni Shaila ang peace of mind at justice.


Samantala, palaisipan pa rin ngayon sa ilang mga netizens ang pinanghuhugutan ni Shaila sa pagbabahagi ng mga cryptic post, matapos ang kanyang pag-amin na may anak na sila ni Rob Gomez.


Nauna rito, noong August 3, 2023, naging guest si Rob Gomez sa programang Fast Talk with Boy Abunda sa GMA7 kung saan kabilang sa kanilang mga naitanong sa kanya ni Boy Abuda ang kanyang buhay pag-ibig.


Ayon kay Rob Gomez, single siya ngayon subalit mayroon siyang nililigawan. Hindi naman tahasang inamin ni Rob kung sino ang kanyang nililigawan at kung may posibilidad nga bang sagutin siya nito.


Tila bilang reaksyon sa mga pahayag ni Rob Gomez, agad na isiniwalat ni Shaila na may anak na pala ito sa kanya, kalakip ang kanilang mga larawan na magkasama.


"I’ve always been told to wait for the perfect time to tell the world about you. However, I realized, there is no such thing as “perfect time”. We only have one life to experience these moments and it is in our hands to make these moments perfect.


"My life, for the most part, has always been private - but honest. For over a year, I’ve been bursting to show you to the world, and to show you the world.


"My heart has never known this much love until I had you, my Amelia" caption pa nito sa kanyang Instagram post.


Si Shaila Rebortera ang kinuronahang Ms. Multinational Philippines sa Miss World Philippines pageant noong 2021. Siya rin ang tinanghal bilang Miss Millennial Philippine 2018, sa beauty pageant na ginawa ng Eat Bulaga.


Siya rin ang Ms. Cebu 2016, second runner-up at Sinulog Festival Queen 2018.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo