Ipinahayag ng international singer-actress na si Lea Salonga na hindi muna siya tatanggap ng mga autograph request mula sa kanyang mga fans matapos mapag-alaman na positibo siya sa nakakahawang sakit na Covid-19.
Nagpositibo umano si Lea Salonga sa COVID sa pananatili niya sa New York. Sa kanyang ibinahaging social media post, ipinaalam ni Lea Salonga sa publiko na unti-unti na siyang nakakarecover sa sakit.
Gayunpaman, hindi muna umano siya tatanggap ng mga autograph request at hindi rin muna umano siya makikipag-interact sa kanyang mga fans para masiguro ang kanyang kaligtasan at para na rin sa kanyang mga tagahanga.
"Hi, everyone! So perhaps a few of you that have been coming to Here Lies Love this week noticed that I haven't been in the theater since Wednesday.
"Well, I tested positive for COVID, and thus made the decision to isolate and stay away from work.
"Thakfully my overall symptoms were mild, quite a different experience from my first bout with the virus.
"Although I did wish to return by the weekend, COVID had other ideas, so out of an abundance of caution for audiences, co-workers and myself, I opted to take all the time to rest and heal.
"I intend to come back this Tuesday. However, since I'm still on the mend, I will opt out of stage door autograph signing until further notice."
“As wonderful as it is to connect to you all after the performance, I need to take care of myself,” saad ni Lea Salonga.
Matatandaan na kamakailan lamang naging controversial ang Broadway actress-singer na si Lea Salonga, matapos mag viral ang isang video kung saan tinanggihan niya ang isang fan na pumasok sa kanyang dressing room para humingi ng autograph at groufie.
Tila na-offend ang mga pumasok na fans kaya inupload nila ang video ng pamamahiya umano sa kanila ni Lea Salonga sa loob ng dressing room.
Itinanggi rin ng isa sa mga ito na hindi nila ininvade ang privacy ni Lea Salonga.
Sa huli napag-alaman na hindi naman pala kasali sa nasa guestlist ang mga pumasok na fans, gayunpaman sa huli pinagbigyan naman ni Lea ang mga fans matapos paghintayin ang mga ito sa labas.
Sa kabilang banda, dahil sa pagkakasakit ni Lea Salonga, napapatanong ang ilang mga netizens kung sino ang nakahawa sa kanya ng sakit.
Isa nga ba umano sa mga fans na kanyang nakakasalamuha o nagkasakit ito dala ng pagod at stress sa trabaho at mula sa mga pambabatikos mula sa mga netizens.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!