Tila naririndi na at hindi na nagugustuhan ng aktres na si Kylie Padilla ang palaging pag-tag sa kanya ng kanyang mga fans sa mga sweet moments na ibinabahagi ng kanyang estranged husband at bagong girlfriend nito sa social media.
Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang mga kumakalat na video clips kung saan makikita ang mga sweet moments nina Aljur Abrenica at AJ Raval na kasalukuyang nasa Canada.
May ilang mga netizens pa rin ang tila hindi nakakamove sa hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, kaya naman pilit pa ring tinatag ng ilan si Kylie sa mga post kung saan kasama ng kanyang estranged husband si AJ Raval ang bago nitong girlfriend.
Kaya naman, hayagan nang ipinahayag ni Kylie Padilla ang kanyang side at nakiusap na sa kanyang mga fans dahil tila siya na ang nahihiya sa mga ginagawa ng mga ito.
Sa kamakailang tweet ni Kylie Padilla, hayagan na niyang sinaway ang mga fans na tinatag pa rin siya sa mga post ng dalawa at pinakiusapan ang mga ito na tumigil na.
"Love you guys but please stop tagging me on my ex’s and his gf’s posts. Honestly kapagod yung narrative. Please lng. Thank you."
Dagdag pa ni Kylie Padilla, "Actually im really ok. Lol may sarisarili na kaming buhay nakakatawa lng. I dont need to know what my ex is doing just like anyone who has an ex LOL 😂 sobrang awkward dahil lahat kami artista."
Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens. May mga sumuporta kay Kylie at sinabing nakakainis nga naman na palagi pa ring tinatag gayung nagkasundo na naman sila.
"Hays, di siguro crinush back ng mga crush nila yon. Ayaw nalang lumagay sa peace (rest in peace) eme hahaha! Baka dibdibin.
"Anyways, pls stop na gais. Nakakapagod nga naman talaga mag explain. They're totally okay. They both agreed to date other people naman. So pls stop!"
"Stop na please lang nakamove on na nga silang dalawa mas ok na nga Sila as a parents nalang for alas and Axl so please guys stop dragging and tagging the name of ate kylie please"
"Kapagod din pala maging artista. Lahat assuming. Lahat alam buhay mo.. haha kaloka.. post mo nalang kaya din lablyp mo ky para wala na sila masabi.. haha"
Sa kabila ng panawagan na ito ni Kylie Padilla may ilan pa rin sa mga netizens ang patuloy na umaasa na magkakabalikan pa rin at maayos pa rin ng dalawa ang kanilang relasyon.
Subalit, tila hindi na ito mangyayari dahil may kanya-kanya na silang buhay at lovelife ngayon.
Sa kabilang banda, may mga bumabatikos pa rin kay AJ Raval dahil sa pagiging kabit umano nito at sa pagpatol nito kay Aljur. Naniniwala pa rin ang ilang mga netizens na si AJ Raval ang dahilan ng hiwalayan nina Kylie at Aljur sa kabila ng paglilinaw ni Kylie na hindi si AJ ang dahilan ng pagkasira ng kanilang pagsasama.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!