Kylie Padilla Nagbahagi Ng Cryptic Post Sa Gitna Ng Pagkalat Ng PDA Photos Nina AJ at Aljur!

Linggo, Agosto 20, 2023

/ by Lovely


 Patuloy pa rin kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga larawan nina Aljur Abrenica at AJ Raval habang sweet sa isa't-isa at naghahalikan kahit pa sa mga public places.


Marami pa rin ang napapataas ang kilay sa ginagawa na ito nina Aljur Abrenica at AJ Raval dahil hindi pa naman tuluyang annuled ang kasal nina Aljur at Kylie Padilla.


Isa pa, bagama't civil sa isa't-isa sina AJ Raval at Kylie Padilla, marami pa rin ang nagsasabi at naniniwalang si AJ Raval ang dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa noong 2021.


Bukod sa mga yakapan, kumakalat din ngayon sa social media ang halikan nina AJ Raval at Aljur Abrenica sa isang pampublikong lugar.


Samantala, tila hindi naman umano nakapagpigil si Kylie Padilla at tila may pinapatamaan ito sa kamakailang tweet.


"Nobody's fool," makahulugang tweet ng aktres.


Kung pagbabasehan ang ibig sabihin ng nobody's fool ayon sa google, 'A person who is not easily deceived or victimized; one who is perceptive, clever, or thoroughly common-sensical.'


Sa madaling salita, tila ipinagdidiinan ni Kylie  Padilla na hindi siya tanga at hindi siya madaling gawing tanga.


Hindi naman nilinaw ng aktres kung para kina Aljur Abrenica at AJ Raval nga ba ang kanyang tweet. Kung patungkol ba ito sa mga kumakalat ngayong mga larawan at videos ng pagiging sweet nina AJ at Aljur sa Canada.


Samantala, may mga naghinala naman na baka may kaugnayan ito sa ibinahaging Facebook live ni AJ Raval kung saan pinagdiinin nito na wala siyang niloko na tao sa pakikipagrelasyon kay Aljur dahil hiwalay na sina Kylie noong panahon na iyon at may jowa na umanong bago ang huli.


Isiniwalat pa ni AJ Raval na kilala pa umano niya ang babaeng sumira at naging dahilan ng hiwalayan nina Aljur at Kylie noon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo