Bagama't aminadong nahihirapan, masaya si Kylie Padilla na makasama sa pagtatravel ang dalawa niyang mga anak kahit pa solo lamang siya.
Sa latest Instagram post ni Kylie, “obsession” niyang makitang masaya ang kaniyang mga anak, kaya naman kahit wala silang kasama sa travel at aminadong struggle ay worth it naman umano ang lahat.
“TAKE ME BACK. Is it ok to say I’m obsessed with seeing my kids happy? Huhu kahit na struggle to travel with two, I know we made core memories and that’s all I want with them,” caption ni Kylie sa kanyang Instagram post, kalakip ang mga snaps na kuha mula sa kanilang pagbabakasyon.
Base sa mga larawang ito, makikitang napaka-hand on ni Kylie na ina sa dalawang anak nila ni Aljur Abrenica. Talagang ang kasiyahan ng mga anak ang priority ni Kylie.
Samantala, tila mas pinili ni Kylie Padilla na umiwas sa intriga kaya naman naka off ang comment section ng kanyang post. Matatandaan na hayagan na rin niyang pinagsabihan ang kanyang mga fans na itigil na ang pantatag sa kanya sa mga sweet post nina Aljur Abrenica at AJ Raval.
Sa ginawang ito ni Kylie, tiyak umanong mababash na naman si Aljur Abrenica dahil sa pagbabakasyon nito sa Canada kasama ang kanyang nobyang si AJ Raval.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!