Sinagot ng tinaguriang Trivia Master na si Kuya Kim Atienza ang tila pagtatanong ni Pura Luka Vega kung saan nga siya nagkamali at kung ano ang kanyang pagkakamali, kaya siya idiniklara bilang persona non-grata ng ilang mga lalawigan sa Pilipinas.
“Tell me EXACTLY what I did wrong. I’m open for a dialogue and yet cities have been declaring persona non grata without even knowing me or understanding the intent of the performance. Drag is art. You judge me yet you don’t even know me,” tweet ng Drag Queen.
Aminado naman si Kuya Kim na sang-ayon siya sa naging desisyon ng mga namumuno sa Manila City sa pagdeklara bilang persona non-grata kay Pura Luka Vega. Gayunpaman, hinimok niya ang Drag Queen na hindi pa huli para baguhin nito ang kanyang pamumuhay.
“Hi Luka. We haven’t met yet but I wish you well. I sincerely hope you develop the empathy to know how deeply offensive your “art” is to the majority of Filipinos. This has nothing to do with drag or gender but how you disrespected Jesus and His prayer we so revere,” pahayag ni Kuya Kim.
Hiniling din niya sa iba pang netizens na huwag nang labis na batikosin pa ang Drag Queen.
“As Christians we are to hate the sin but love the sinner. We are all sinners and fall short of His glory.”
Agad naman itong umani ng pagsang-ayon mula sa mga netizens na naniniwalang mali talaga ang ginawa ni Pura Luka Vega dahil sa pambabastos nito sa Simbahan at maging sa mga tagasunod nito.
"The period of inquisition is not enough for the Catholics."
"What a diplomatic and well thought out response. God bless you, Kuya Kim!"
"Maybe art to Luka but not to the majority. Learn to accept the consequence of your action. May this time be a time of acceptance and healing for you."
"hindi lahat ng ginagawa naten art,u have to respect he belief of others,im not against to any gender but it doesnt mean u will do what ever u want, every move/actions has a limitation and responsibilities"
"what you did was Blasphemy. That's exactly your mistake. Yes, Drag is an art but it shouldn't be offensive sa paniniwala iba; especially if you use images or things they consider as holy or sacred. If you use those sacred images, dapat maingat tayo sa actions with those."
Sa kabilang banda, may mga nagtatanggol naman kay Pura Luka Vega kung saan katulad ng Drag Queen naniniwala silang katuwaan at pagpapakita lamang ng art ang ginawa nito at sa pagportray nito kay Hesukristo.
“Kuya Kim is biggest proof na great encyclopedic knowledge wont necessarily lead to brilliant critical thinking skills.”
“At naniwala naman talaga kayo na alam talaga ni Kuya Kim ang mga pinagsasabi niya?”
“Ayaw ng zoology prof ko kay kuya kim. Ewan ko kung dahil lang sa maling pagdisplay ng scientific name.”
"Please continue doing this artform. I am one of your many growing supporters in the community. Detractors can make up biased definitions of art and drag, making false accusations, but we know what real art is and your type of drag is one of the best forms of art."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!