Kulot, May Sariling Mundo Sa Showtime! Hindi Nakaligtas Sa Mga Netizens!

Lunes, Agosto 14, 2023

/ by Lovely


Muling naging laman ng mga usap-usapan online ang ginawa ng batang host na si Kulot sa isang episode ng It's Showtime.


Marami sa mga netizens ang muling naaliw sa pagiging bibo ng batang si Kulot, na isa sa mga batang host ng noontime show na It's Showtime, nang bigla itong sumayaw habang abala sa pag-uusap ang iba pang host ng show.


Sa opening ng nasabing show, nagbibigay ng mensahe ang mga It's Showtime hosts para sa kaarawan ng kanilang kasamahan na si Jhong Hilario.


Nang si Vhong Navarro na ang nagbibigay ng mensahe at tila naging emosyunal na ang karamihan sa mga host, bigla na lamang sumayaw si Kulot.


Sinayaw ng bata ang pinasikat na sayaw ni Maris Racal sa pelikulang Here Come's The Groom na 'Si Nena ay Baby Pa'.


Matatandaan na nag-viral ang nasabing sayaw ni Maris Racal dahil sa nakakatuwang lyrics at paraan ng pagsayaw niya rito. Marami rin ang gumagaya nito sa social media platform na TikTok mapa bata, matanda, dalaga o binata man.


Samantala, tila hindi napansin ng mga kasamahang hosts ni Kulot sa It's Showtime ang kanyang ginawa dahil abala ito mga ito at nakafocus lamang ang atensyon sa pagbibigay ni Vhong Navarro ng mensahe para kay Jhong Hilario.


Subalit, hindi nakalampas ang ginawa ni Kulot sa ilang mga manonood at televiewers ng nasabing show.


Agad na umani ng samu't-saring reaksyon ang ginawang ito ni Kulot. Marami ang natatawa dahil tila may sariling mundo si Kulot sa mga oras na iyon. May mga nagsasabi naman na tila hindi nakakarelate si Kulot sa mga pinag-usapan ng mga nakakatandang host ng It's Showtime.


Ti-nag pa ng ilang mga netizens ang aktres na si Maris Racal sa mga kumakalat na video ni Kulot. Marami ang nag-aabang sa maaring collaboration ng mga ito.


"Kulot be like, "pag matanda talaga nagiging emosyunal basta ako dance dance lang"


"Si kulot sinasaniban ng espirito ni Nena."


"Napansin ko nga, sabi ko pa "ang galing na sumayaw ni Kulot"


"Ang cute ni kulot di ko to nakita kanina"


Matatandaan na naging usap-usapan noon ang pagiging emosyunal ni Kulot sa It's Showtime dahil sa kanyang ama na pinagdududahan niyang may ibang babae.


Marami ang naantig sa naging reaksyon ni Kulot at sinasabing nagsisisilbi ito bilang eye opener sa lahat lalo na sa mga magulang na harap-harapang nag-aaway sa harap ng mga anak.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo