Sa lahat ng pinagdaanan ni Kris Aquino sa kanyang mga naging karelasyon, tila pinapatunayan ngayon ni Mark Leviste kay Kris Aquino na may happy ever after pa rin.
Bagama't alam naman umano ni Mark Leviste na hindi madali ang kanilang haharapin ni Kris Aquino dahil sa mga health conditions nito.
Matatandaan na nakipaghiwalay muna si Kris Aquino kay Mark Leviste dahil nais niyang pagtuunan ang kanyang health conditios at ayaw umano niyang mastress.
Sa kabila nito, patuloy pa ring binibisita at nakikipag communicate si Mark Leviste kay Kris Aquino at sa katunayan kasama ngayon ni Kris ang anak ni Mark.
Pinanindigan din nito ang kanyang isinulat sa comment section ng post ni Kris kung saan nakipaghiwalay ito sa kanya.
"Kids and I will always be by your side... for better or worse.. for richer or poorer, in sickness and in health, to love and to cherish Forever."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!